#57 - Missing Him

26 0 0
                                    

**

Missing Him.

"Distance doesn't matter as long as you'll keep him in your heart, distance will never be a part."

--

   December 24 -  ( Noche Buena )

*Merry Xmas! Ilang oras na lang at naaamoy ko na ang diwa at simoy ng kapaskuhan. Ilang oras nalang din at aalis na yung pinaka-mamahal ko. (--〆) Hay, kahit two weeks lang yun, aba! Nakaka-miss naman sobra yun! Ikaw ba naman araw-araw mo nakakasama, nakikita at nakakausap eh. Nasanay na syempre. Pero okay lang, naiintindihan ko naman eh. Family matter naman yun napaka-valid naman ng reason kung bakit kailangan niyang lumayo.

Umaga palang busy na kami lahat, ay sila lang pala. Kasi ako nandito sa kwarto, nakahiga at nag-mumuni-muni. Ka-aga aga, drama ko agad no! Tumingin ako sa wall clock para tignan kung oras ko na ba para tumayo. 9:26'㏂ in the morning. Okay, medyo nakaka-ramdam na'ko ng gutom.

Tumayo ako para mag-hilamos. Nag-palit ako ng maayos na pambahay, nag-suklay, lagay ng pulbos sa mukha atsaka lumabas ng kwarto. Pag-baba ko, nadatnan ko si Mama at Ya'Dolores na nasa kusina.

"Ma, ano yang niluluto niyo?" Tanong ko. Curious lang, gutom eh.

"Sinampalukang manok. Wag kang mawawala mamaya ha, dadating sila Lola mo, Janice at Tita Jane mo.. Dito sila mag-papasko.." Nag-nod naman ako atsaka pumunta sa sala.

Binuksan ko yung TV atsaka ako naupo sa sofa, sabay taas ng paa.

Okay. Boring masyado eh.

Medyo napapapikit na rin yung mata ko dahil nakakaramdam parin ako ng antok. Nang biglang ..

"Knock, knock! Merry Xmas!" malakas na sabi ng boses lalaki. Tumingin ako sa may pinto.

Nagulat ako.

"Babe!!" Agad akong pumunta sakanya at niyakap siya ng mahigpit. "Akala ko hindi na kita makikita bago ka umalis eh.. huhuhu." Sabi ko naman.

"Papayag ba ako ng ganun? Syempre hindi babe.. I need to see you first." Then kumalas ako sa pagkakayakap, tapos hinalikan niya ako sa noo. "May ibibigay rin pala ako sayo.." Then nilabas niya ang isang regalo na nakabalot sa kulay red na girf wrapper. Hala! Nakakahiya naman wala akong gift sakanya bago siya umalis.

"Hala babe.. thank you! Buti kapa may gift ka saken.." tapos nag sad face ako saka ngumuso. "Wala akong gift sayo eh.." Sabi ko sabay yuko.

"Hayst, ano kaba babe.. it's okay. Kahit wala kang maibigay. Pag-mamahal mo lang sapat na." Aniya. Luh! Ang sweet. Ugh!

Bigla namang sumulpot si Mama.

"O Zandro, nandito kana pala." Aniya. Lumapit si Zandro at nag-mano.

"Opo tita, eh aalis rin po ako agad.. uuwi ho kami ng probinsya at dun mag babagong taon." Sabi naman niya kay Mama.

"Nako, ilang araw din palang matetengga dito sa bahay si Mhean.." sabay natawa sila. Okay, ako na maiiwan talaga mag-isa!

Sinabayan akong mag-breakfast ni Zandro. Pag-katapos ay niyaya niya akong ihatid siya sa Port. Yep! Sasakay kasi sila ng barko. Sabi ko kay Mama sandali lang kami at pumayag naman siya. Nakasasakyan naman kasi kami papunta.

Sa loob ng sasakyan.

"Babe, sama natin si Wela para may kasabay ako pauwi." Request ko.

"Sige, magandang idea yan." Since naka-car kami, dadaanan nalang namin si Wela sakanila. But before that, dinaanan muna namin ang kuya Jay niya at si Chaws sa isang fastfood. Nasa loob na ng sasakyan ang mga bagahe kaya hindi na sila namroblema sa pag-bitbit.

SINCE I MET HIMWhere stories live. Discover now