#34 - Bitchfriends Part. 2

60 1 0
                                    

**

Bitchfriends.

"Itigil ang kaartehan kung hindi naman kagandahan."

---

Nakarating rin kami sa bahay ni Lora. Medyo malapit rin kasi yun sa mall eh.

Infairness naman sa bahay, hindi naman siya kalakihan tama lang. Atleast masasabi mo paring may masisilungan sila. Meron rin silang isang sasakyan, pero hindi expensive.

"Akala ko babuyan eh." I whispered to Wela na katabi ko ngayon dito sa may labas nila. Ayaw muna namin pumasok, kasi nakaka irritate eh. Nagtawanan lang kami. Sabi namin susunod nalang kami.

"Gaga ka talaga!" Sabay halakhak. Si Zandro naman, naki inom ng tubig saglit sa loob.

"Ugh! Can you take this? Dito tayo mag didinner? I'm sure asin lang ipapa-ulam nian satin." Tuloy parin ako sa pang aasar at tuloy parin kami sa pagtatawanan. Nag nod lang si Wela at tawa parin ng tawa. Bwahaha!

Pag-pasensiyahan niyo na ako huh? Ganito talaga ako, malakas lang ako mang asar pero friendly ako! Pero kapag ayoko sa isang tao, wala nang makaka awat sakin!

"Haha, sabi niya mayaman daw sila diba? Let's see." Wela said at nagkatinginan kami. "Let's go na sa loob? Baka nilulunod na nila si Papa Zandro mo!" Sabay na kaming naglakad papasok sa loob.

Nadatnan namin si Zandro na nakaupo lang at yung dalawang dugong naman hayun sumasayaw.

What the hell is this?! Nasusuka ako! Tumingin ako kay Wela na halatang nagulat sa nakita niya. Napanganga kami, hindi dahil sa pag hanga kundi dahil sa pagka-irita sa ginagawa nila!

Alam niyo yung sinasayaw nila?

Gimme-gimme and

        Bootywork!

Shit! Yung totoo? Hindi ba sila nasusuka sa sarili nila at sa pinag gagagawa nila?

Tumabi ako kay Zandro at tinignan siya. "Babe, anong ginagawa nila?" I asked, I can't take this anymore! "My gahd! Hahaha" Nasabi ko at humalakhak nalang ako.

"Tara, sali kayo sayaw tayo." Niyaya kami nung dalawang dugong na panay parin ang sayaw. Seriously? Yuck! Hindi ko pag mumukaing tanga yung sarili ko noh!

Tumabi samin si Wela, "Sabi na eh, mali tayo nang pinuntahan." Sabi niya. I nodded, agree ako jan. "Zandro, yung totoo bestfriend mo yang mga yan?!" Tanong ni Wela kay Zandro muntik na akong mag choke sa kakatawa dito.

"H-ha? Bakit?" Napangiti si Zandro. Umiling-iling nalang si Wela at tinignan nalang yung CP niya. "Ganyan talaga yang mga yan eh. Hayaan niyo na." Bigla siyang nag salita. Hindi na kami sumagot ni Wela.

Tahimik lang kaming tatlo habang yung dalawang dugong naman sayaw parin ng sayaw, My gahd! They can just stop? Guguho na yung bahay eh. Hahaha!

Sawakas tumigil rin yung dalawa at hingal na hingal sila na naupo sa couch. Duuuh!?

Tumingin ako kay Wela. She gave me a question look! "Why?" She said. Ngumisi muna ako.

"Iwwness, nangangasim na sila!" I said. Bigla siyang natawa at halos hampasin nako sa balikat.

Pano ba naman kasi pawis na pawis na sila parehas para na silang may oil leak! Jusko! Ganyan ba yung pinag mamalaki nilang mayaman raw sila at mga sosyal e halos parang pulubi na sa kadugyutan eh. Myyyy Gaaaaahhd!

Yung dalawang dugong pumasok na muna sa loob para mag ready raw nung dinner. 

Kadugyutan nilang dalawa eh. Habang nandun sila sa loob nag moment muna kaming tatlo.

SINCE I MET HIMTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang