#45 - I Like The Usual.

43 1 0
                                    

**

I Like the Usual.

"Every little thing made me miss you more."

---

First day of school ngayon, para sa 2nd'semester kaya naman maaga ako nagising at nag prepare for school.

Kapag first day talaga parang nakaka excite. Lalo na kasi irregular student parin ako at iba iba nanaman section ko. (4) subjects for this day, not bad. For sure nito mga panibagong kakilala at kaklase nanaman ang makakahalubilo ko.

Haaaaaays, kainis! Unang araw na wala na siya sa school, nakakapanibago naman.  Buti nalang sabi niya susunduin niya ako.

Speaking of that …

(Incoming Call ..)

Samsung Tune.

*Babe Calling ..

[ Hello babe! Goodmorning! Babe. ] Pambungad niya sa akin. Wow! Mukhang masaya siya ha.

[ Goodmorning din Babe'ko. ] Sabi ko.

[ Are you ready!? ] He asked.

[ Ready pa sa ready babe! ] Nandito na kaya ako sa may pinto inaabangan ko nalang yung sasakyan niya na hihinto sa tapat namin.

[ Good, okay so malapit na ako dyan. I love you babe. ] Then naputol na yung tawag.

Nakita ko ang isang silver na sasakyan na huminto sa tapat namin, napangiti ako nang papalabas ako ng bahay. "Ya Dolores, ALIS NA PO AKO!!" Sigaw ko at tuluyan nang lumabas sa pinto.

Sinalubong niya ako habang nakangiti. Aysyet!* sobrang gwapo niya talaga! Ruggedly handsome talaga.

"Sakay na Miss Beautiful." Zandro spoke in a gentleman way and opened the door of the car for me.

"Thankyou." I said and left a big smile on my face then firmly sat at the passenger's seat.

Sumakay na rin siya sa driver's seat. Binuksan na niya ang makina at nag-umpisa na siyang mag drive.

"Goodmorning babe." Pangunang bati niya sakin at tumingin siya sakin then balik ulit sa kalsada.

"Kainis nga eh!" I muttered with crossed arms.

"Ohh bakit babe!?" Tanong niya at napabaling ulit ng tingin sakin.

"Eh syempre hindi kana papasok." Malungkot na sabi ko. Bigla siyang tumawa ng mahina. Luh!? Anyare sakanya!?

Ginulo niya bigla yung buhok ko. "Babe talaga oh, hatid-sundo na nga kita eh para araw-araw parin kitang nakakasama." Pinagsingkitan ko siya ng mata dahil sa pag gulo ng buhok ko. Kainis! Nagpaganda nga ako dahil unang araw tapos guguluhin lang yung buhok ko!? =_________=" Ugghh!

"Iba pa rin yung kasabay kita pumasok at umuwi kesa sa hatid-sundo!" Pagmamaktol ko.

Bigla namang hinawakan ng isang kamay niya yung kamay ko.  "Babe, kailangan na nating masanay sa pagbabago. Wala naman tayong magagawa eh." He said.

Napaisip naman ako sa sinabi niya. Oo nga, tama siya! Hindi naman sa lahat ng oras ay nandyan siya lagi sa tabi ko. Dapat maintindihan ko rin kung kailan lang siya pwede at kung kailan hindi.

"You're right babe." I sighed.

Diko napansin na sa pag uusap namin nandito na pala kami sa tapat ng campus.

SINCE I MET HIMWhere stories live. Discover now