#55 - December to Remember Part 1.

61 3 1
                                    

**

December to Remember.

"Every moment we spent together felt happily ever after."

---

"Sis, gandahan mo ha! Basta yung sweet pero maikli lang." Nakaharap kami ni Vec sa laptop at maguumpisa nang gumawa ng Love letter niya para kay Herald. "Taglish yan ha? Baka sabihin ang korni ko." Dugtong pa ni Vec.

Tumango-tango lang ako bago mag simulang mag type.

Maayos akong sumandal sa upuan para makapag concentrate sa gagawin kong letter. Si Vec naman pinahiga ko muna sa kama ko, ayoko kasi ng may nanunuod sakin kapag may ginagawa akong gan'to hindi ako makapg-focus. Haha!

So game na!

Pumwesto ako, and start typing.

  Dear Baby, (baby kasi tawagan nung dalawa eh. Sanggol ampeg.)

          Hi Mr. Can I call you mine? Can I feel your love? That was the questions that popped up in my mind when the day I met you. :) Nagustuhan nga kaagad kita nu'n eh. Parang may kakaibang spark kasi nung nagtama yung mga mata nating dalawa. As in baby, I loved you the first time I saw you.

           Naalala ko nung mga panahong magka text palang tayo, hindi ko naman ugaling mag load araw araw pero nung katext na kita .. Hindi ako papayag na wala akong load. You've changed me baby and I'm so thankful for that.

           I hope na magtagal tayo and Thankyou for everything, sana hindi ka magsawa na mahalin ako at alagaan ako. :* :)

           Happy Monthsary baby! :* I love you so much. :)

                      Love, Baby'Yvette

Done! I hope pwede na'to. Partida pa hindi ko naman boyfriend yung susulatan ko pero nasabi ko parin yung mga ganitong linya. Well, ganyan talaga kapag in-love. Hihi.

"Sis.." Mukhang hindi ako narinig. "Uy Sis Vec!" Medyo nilakasan ko kaya parang nagulat siya. Hala?!

"O Sis! Ay teka, tapos naba?" Aniya at tumayo, naglakad papalapit sa'kin.

"Yes, take a look. Ikaw na bahala humusga." Sabi ko.

Lumapit siya sa screen at binasa niya. "Wow Sis, okay na'to! Thankyou Sis. Galing mo talaga! Sige na ako na magpapaprint nito tapos lagyan mo nalang ng design bukas." She said, then walk towards the door and leave my room.

  ( Kinabukasan .. )

Maaga akong nagising dahil, maaga akong nakatulog kagabi. Halos hindi na'ko naghapunan dahil pagkatapos ko gawin yung pinagawa ni Vec ay nahiga na'ko at nakaramdam ng antok.

Shit!* nga eh kasi pag tingin ko sa cellphone ko halos bumaha ng messages at missed calls lalo na galing kay Zandro.

Nung nakausap ko nga siya, halos mag panic raw siya. Kaya mismong si Mama na yung tinext niya at dun niya nalamang tulog na pala ako. Haha! Grabeeee naman kasi ang sarap kaya matulog eh!

Na'ndito ako ngayon sa school, halos kakarating ko lang din kasi hindi na'ko nasundo ni Zandro dahil ihahatid niya yung Mom niya sa isang seminar.

Habang naglalakad ako papasok ng gate, hindi ko namalayang katabi ko na pala si Dhea.

Si Dhea, yung classmate ko na laging nangongopya sa'kin dati. Haha!

"Uyyy!" Aniya.

"Uyyyyy rin." Sabi ko naman.

SINCE I MET HIMWhere stories live. Discover now