#33 - Let Me Explain.

71 1 0
                                    

**

Let Me Explain.

"Accept what it is, Let go of what was, and Have faith of what will be."

---

Sa sobrang gusto ko na siyang makausap ay nag paalam na ako sa Prof. ko nang last subject na kailangan ko nang umuwi agad agad dahil may emergency.

Duhh! For me, emergency talaga pag dating kay Zandro. Oo kasi Labs ko yun eh.

Agad akong lumabas ng classroom, bumaba ng hagdan at nag lakad papuntang parking lot, kung saan kami mag kikita.

Bawat hakbang ko papunta ng parking lot ay lalong bumibilis ang kabog ng dibdib ko. Halos parang sarili ko lang yung naririnig ko sa sobrang kaba.

Malayo palang, nakita ko na siya na nakasandal sa may unahan ng sasakyan niya at nakatingin lang sakin na nag lalakad papalapit. Hindi ako makatingin sakanya kaya naman yumuko nalang ako.

I slowly walk towards him and stop exactly infront of him. Dahan-dahan ko ring inangat yung ulo ko para tignan siya.

Nakatingin lang siya sakin ng seryoso, blangko yung pinapakita niya, ngayon ko lang siya nakita nang ganito ka-serious! MY GAHD! Help! Parang kakainin niya ako ng buhay.

I sighed. "Uhmmm, B-ba-babe? Ga-galit ka ba?" Garalgal na sabi ko nang mahina. Yumuko na rin ako kasi ayoko siyang tignan. Gosh! Ganun naba kalaki yung ginawa kong kasalanan? (_ _").

"Are you seeing another man?" He seriously asked, I looked at him and I shook my head. "Then Explain!" Naku! Galit nga siya. Eto na mag eexplain na ako. I need my speaking powers!

"Okay ganito kasi yun, diba sabi ko sayo na maaga ako papasok kasi may gagawin pa kaming report ng classmate ko. Yung nakita mo kanina, siya yung classmate ko actually dapat tatlo kami kaso wala yung isa kasi nasa klase pa raw…" Tinignan ko siya at naka cross yung arms niya, tinaasan niya ako ng kilay. "I'm not seeing another man, I'm not cheating on you! Sana maniwala ka, kahit na iharap ko pa sayo yung Guy na yun!" I said.

"Sakay na. Ihahatid na kita sainyo." Yun lang yung sabi niya! Wtf! Wala man lang siyang reaksyon sa sinabi ko? Hala? Ano to? Sumakay nalang ako at tahimik lang na nakaupo.

Pagsakay niya, tahimik lang kami hindi ko siya tinitignan ayoko nga! Hmp! Hindi parin siya nag sisimulang mag drive.

"I Love you babe." He said, at nagulat ako!

"Akala ko ga--" Bago ko pa man sabihin yun, nilapit niya yung muka niya sakin at hinalikan ako sa lips. Halos malaglag ako sa kinauupuan ko.

Humiwalay na siya at nag salita, "Akala mo lang yun, alam ko naman yung kanina eh. Pinag explain lang kita kung mag sasabi ka ng totoo." Sabi niya then nag simula na siyang mag drive. "Nextime ayokong makikita kang may kasamang iba nag seselos ako!" He said, at napanganga nalang ako.

"P-pano mo nalaman?" I asked.

"Syempre, gusto ko lahat sayo alam ko. Nung una galit talaga ako pero nag kita kami ni Wela and she explained everything." He said, seryoso parin yung muka ko siya naman pa ngisi-ngisi nalang habang nag ddrive, sumulyap siya ng tingin sakin. "Hey, babe! Smile kana jan alam ko kanina halos mabaliw kana raw kakaisip sakin!" At ayun tumawa pa ang luko! Haynako!

Si Wela talaga, minsan may pag ka epal pero infairness thanks to her. Hahaha!

"Ofcourse, sino ba naman hindi mababaliw? Ayoko kayang magalit ka sakin o mag isip ng kung ano." I said.

SINCE I MET HIMWhere stories live. Discover now