Simula

1.3K 19 4
                                    

Hindi Maintindihan

"Empress, nakikinig ka ba sa akin?"

Tumayo si Molly at pumamewang sa harap ko. Nakaupo kami sa gilid ng hagdan ng Business Administration building at nagpapalipas ng oras dahil may isang oras kaming bakante.

Punuan ang canteen nang mga nakaraang araw dahil patapos na ang semester para sa taon na ito. Hindi na regular ang mga klase at halos nandito na lang kami para sa compliance ng ilang requirements na hindi pa namin natatapos.

"Oo, naririnig kita."

Tiningala ko siya at bahagyang inirapan. Kanina pa siya talak ng talak tungkol sa pinaplanong outing kasama kami nina Kevin at Amber.

Dahil patapos na ang klase at summer na ay nagbabalak kaming mag-swimming. Pamparelax ng bahagya dahil tinadtad kami ng requirements ng mga bisugo naming instructors. Second year kami sa taong ito kaya naman hindi kami nakaligtas sa paggawa ng business proposal and presentation, gayon na din sa Job Interview at application video para sa HR Management subject namin.

Inaalok nila akong sumama kaya tinanguan ko na lang. Sila na ang magpaplano. Magbibigay na lang ako ng contribution ko para sa mga kailangan.

Hanggang alas kwatro lang ng hapon ang klase namin ni Molly para sa araw na ito. Si Kevin at Amber ay nasa ibang block kaya hindi kami pareho ng schedule. Nahuli kasi silang nag-enroll.

Kalalabas namin sa panghuling klase nang magtext si Toffy na magkita kami sa gate para sabay na umuwi. Nakababata ko siyang kapatid at first year college sa kursong Engineering.

"Molly, mauuna na ako sayo ha? Naghihintay na si Toffy sa gate. Text ko na lang sila Kevs at Amber," paalam ko sa kanya nang naabutan ko siyang nakikipag usap pa sa ibang kaklase. Sumulyap siya sa akin at nag-thumbs up.

Sumakay kami ni Toffy ng taxi para makauwi. Nauna palang natapos ang klase nila at hinintay niya lang ako bago umuwi. Hindi naman kami laging nagsasabay. Pag nagkakataon lang dahil minsan marami kaming gawain o kaya naman ay magyayaya pa sa mall ang tatlo.

Lumipas ang halos isang oras na biyahe ay nakarating kami sa aming bahay sa Maynila. Dapat ay trenta minutos lang ang byahe mula eskwelahan hanggang roon ngunit medyo traffic sa EDSA.

Sinalubong kami ni Ate Mercy na siyang naninilbihan sa aming pamilya. All around ang trabaho niya maliban sa paghahardinero dahil kumukuha si Papa ng ibang gagawa niyon.

"Gusto niyo ng makakain?" Tanong niya sa amin. Tumango ako matapos bumaling kay Toffy na diretso ang lakad paakyat sa kuwarto niya. Marahil ay may tatapusin pa. Umakyat na rin ako sa hagdan at nagtungo sa kwarto ko para makapagbihis. Mabilis din akong bumaba at tumambay sa sala habang nanunood at nilalantakan ang hinandang pagkain ni Ate Mercy.

Nang gumabi ay halos sabay na dumating sina Mama at Papa. Nalaman ko iyon nang magkasunod na bumusina ang mga gamit nilang sasakyan. Tig-isa sila ng sasakyan kahit nasa parehong kompanya dahil madalas ay may mga biglaang lakad si Papa.

Sa kompanya ng tito Carlos ko sila nagtatrabaho, na siyang nakatatandang kapatid ni Papa. Kompanya ito na may kinalaman sa agrikultura na sakop ang palay, mais, tubo at pinya. Mayroon rin sa baka at manok, maging palaisdaan. May malawak na lupa ang tito Carlos sa probinsya na siyang pinagkukuhanan ng mga supply para sa mga ito. Ang kompanya rito sa Maynila ang nagsisilbing main distributor patungo sa iba't ibang parte ng ka-Maynilaan. Inaangkat ang supply mula sa probinsya kaya't pabalikbalik ang tito Carlos mula Maynila at probinsya.

Hands on din si Papa sa pagtulong sa kompanya maliban sa pagiging shareholder. Kaya kahit siya ay napapadpad din minsan sa pinagmulan nilang probinsya bago siya nag-Maynila. Kung tutuusin ay hindi pa ako nakaapak sa probinsyang pinanggalingan nila Papa at Tito Carlos. Si Mama kasi ay taga-Maynila at ang mga kamag anak namin sa side ni Papa ang bumibisita pa-Maynila paminsan-minsan.

In His Paradise (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon