Kabanata 24

401 11 6
                                    

Babalik

Isang linggo akong babad sa trabaho. Tinapos ko na ang mga kailangan kong gawin upang makapag file ako ng leave for two days.

"Sigurado ka bang hindi ka magpapahatid? I can drive you," wika ni Crane pagkatapos akong sunduin sa trabaho sa hapon ng biyernes.

"I can manage. Magco-commute ako, okay? Kaya ko ang 10 hours na biyahe. Don't worry," sagot ko habang inaayos ang mga laman ng maleta ko.

Maliit na maleta lang ang dala ko dahil apat na araw lang naman ako roon. Sa katunayan ay nagulat ako sa detalyeng ibinigay ni Mabel. Hindi ko naman akalaing bukas na pala ang kasal. Ni hindi man lang ako nakapaghanda ng regalo. Agaran din ang pagfile ko ng leave.

"Kailan ang balik mo? Do you want me to fetch you at the bus terminal?"

Isinara ko muna ang maleta bago ko hinarap si Crane at sumagot.

"Sa Martes. Yeah, I'll just text you," wika ko at ngumiti.

Inihatid ako ni Crane sa unang terminal ng bus na sasakyan ko. Bale dalawang bus ang kailangan kong sakyan para makarating sa bayan ng Arnedo at magtr-trycicle ako papunta sa Sto. Ignacio mula sa bayan.

"Take care. Text me kung nasaan ka na, okay? Para hindi ako mag alala," ani Crane at yumakap sa akin. Dumampi ang mga labi niya sa aking noo.

"Yes. Thank you sa paghatid dito," sabi ko at nagpaalam na.

Sumakay ako sa bus at pumwesto sa tabi ng bintana. Air conditioned naman ito kaya hindi ako maeexpose sa hangin habang nasa biyahe.

Nakatulog ako sa unang bus. Alas kuwatro ng madaling araw nang lumipat na ako sa pangalawang bus at hindi na ako dinalaw ng antok. May apat na oras pa akong biyahe.

Tumanaw na lang ako sa madilim na paligid. Nagiging mapuno na ang dinaraanan namin.

Hindi ko maitatanggi ang kasabikan sa aking dibdib. I missed Mama and Toffy so much..

Nagpigil ako ng luha at pasimpleng nagpunas ng sipon sa ilong. Kahit nalulugod ako sa aking pagbabalik sa probinsiya ng Arnedo, mayroon pa ring parte sa akin na nangingibabaw ang bigat sa loob.

I can't believe after four long years, I'm actually going back to the place where everything started. Kung saan unang nabago ang lahat.. Kung saan tuluyang bumaliktad ang mga mundo namin.

Hindi ko inakalang ngayong araw ay tatapak akong muli sa lugar kung saan ko naranasan ang sakit na noon ko lang naramdaman sa buong buhay ko.

Iyong lugar na pilit kong kinakalimutan. Iyong lugar na pilit kong pinagsasarhan ng pintuan sa kasalukuyang buhay ko..

Heto na't babalikan ko na.. Muli akong aapak.. Pero ang hiling ko lang, sana sa pagkakataong ito ay hindi ako muling malubog sa putik. Iyong putik na ilang taon kong sinubukang takasan.. Pero wala eh, naiwan ko ang tsinelas ko.. Hindi ko pa rin naiahon. Nagkalugmok pa rin ang mga ito sa putikan kasama ang puso ko.

Minsan kahit pala anong takbo mo, babalik at babalik ka sa isang lugar sa buhay mo. Madalas kasi, ang akala natin kapag tumakbo na tayo palayo ay tuluyan mo nang matatakasan ang pinanggalingan mo. Isang bagay ang nakakalimutan natin, bilog ang mundo.

Wala itong sulok. Walang exit. Walang kanan o kaliwa. Ang tanging choice mo lang ay dumiretso ng dumiretso. At magugulat ka na lang na nasa lugar kang muli na nilisan mo.

Isang patunay na darating talaga tayo sa puntong kailangan nating harapin ang mga bagay bagay. Walang problemang napagtataguan.

Maybe you can run.. But you can never hide. Mapapagod ka lang sa pagtakbo. Mapapagod ka at tuluyang hihinto at haharapin ang tinatakbuhan mo.

In His Paradise (Completed)Where stories live. Discover now