Wakas

733 21 9
                                    

Luke Timothy Marquez POV

Nasa bayan kami ng Arnedo para sa liga. Mga tiga Sto. Ignacio ang makakalaban namin, marami kaming kaibigan sa grupong iyon. Ngunit purong laro lang naman ito kaya wala iyong kaso.

Pagpasok namin sa gymn ay umusbong ang hiyawan ng mga tao. Nasulyapan ko ang matalik kong kaibigan na si Kaizer. Pangisi ngisi ito.

"Sikat talaga ako!" Nagmamalaking wika niya. Sinamaan ko lang ng tingin ang loko.

Nang makaupo kami ay saka lang tumila ang mga hiyaw. Magkatapat ang pwesto namin ng kabilang team katulad ng nakaugalian.

"Luke, tignan mo iyong chicks na kasama nila Michiko. Ang ganda! Kanina pa nakatingin dito. Type yata ako," wika ni Kaizer. Basta talaga babae ang bilis ng mga mata nito.

Inangat ko ang tingin ko at hinanap ang sinasabi ni Kaizer. Sa pinakaitaas ng bleacher, doon siya nakaupo.

Sa pulang sleeveless na suot niya ay litaw na litaw ang kaputian niya. Nakatali ng mataas ang kanyang mahaba at itim na buhok. May magagandang mga mata. At kita ko ang kapulahan ng mga labi nito mula sa kinauupuan ko.

Nagtama ang paningin namin ng babae ngunit hindi iyon nagtagal at umiwas ito ng tingin.

Sa ilang sandaling paglapat ng mga mata niya sa akin ay mayroong hindi ko mapangalanang pakiramdam na umusbong sa akin.

"Liligawan ko iyan!" Ani Kaizer.

Sorry bro, pero hindi iyan mangyayari. Wika ng maliit na tinig sa loob ko.

Iyon ang una naming pakikita.. Unang pagkikitang hindi ko malilimutan.

Sa kaarawan ni Michiko, hindi ko akalaing magkikita kami ulit roon. Nakadilaw na bistida ito at hapit sa katawan niya. Kitang kita roon ang hubog ng katawan niya. Matangkad pala ito sa malapitan.

Nagkaroon ako ng pagkakataong  magpakilala. Nalaman kong Empress pala ang pangalan niya at pinsan siya ng mga Cabrerra na galing Maynila.

Sa sandaling paglapat ng mga kamay namin ay tila napaso ako. May pumitik sa dibdib ko. Alam ko... Alam ko ang pakiramdam na ito.

Halos buong gabi niyon ay pinagmamasdan ko ang mataray ngunit maganda niyang mukha. Hindi ko maalis ang paningin ko sa kanya. At sa bawat kilos niya ay hindi ko maipagkakailang nabibighani ako sa hinhin niya.

Pinakiusapan ako ni Jasper na hihiramin nila ang kuliglig namin. Nalaman kong maliligo ang mga ito sa Carayan upang ipasyal ang dayong pinsan nila.

Hindi ako nagdalawang isip na magprisinta para ipagmaneho sila. Nasasabik akong makitang muli siya.

Nalibang ako sa bawat reaksyon niya nang makita ang sasakyan namin. Kakatwa iyon lalo na nang mapatalon ito sa pagkabigla nang paandarin ko ang kuliglig. May tuwang bumalot sa puso ko.

"Aren't you going to swim?" Tanong ni Jasper sa kanya.

Nilingon niya sila Mabel at Michiko na nagsasaya na sa tubig ng batis. "Kase.. Okay lang ba itong suot ko?"

Napatingin kami sa suot niyang bistida. Wala naman akong makitang mali roon.

"Your sundress is fine," agarang tugon ko. Napansin ko ang pamumula ng mukha niya.

"No, I am actually asking if it is fine to wear my bikini here?" Aniya.

Pinamulahan ako ng mukha nang marinig iyon. Hindi dahil sa mali ang tinutukoy ko kundi ay may mga imaheng bigla na lang nabuo sa isip ko. Mga imahe niya na nakasuot ng bikini.

Halos ipilig ko ang ulo sa mga naiisip. Hindi tama ito! Hindi tamang pagnasaan ko siya.

Ngunit lumipad ang lahat ng katuwirang iyon nang hubarin nito ang tsinelas at ang suot niyang bistida. Lumitaw sa paningin ko ang makinis niyang balat at mahubog na katawan. My eyes feasted on her body. She has the right curves in all the right places. Damn, she's definitely hot!

In His Paradise (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon