Kabanata 30

527 12 3
                                    

Accident

"Mauuna na ako," paalam ko kay Alona.

"Ingat!"

It was five in the afternoon on Monday at off na namin. Nagmamadali ako dahil kailangan kong pumunta kay Molly. Siguro'y pauwi na rin iyon. Nagtext na ako sa kanya na pupunta ako sa condo niya.

I hailed a cab going to her place. Tamad akong sumandal sa upuan ng taxi at pinagmasdan ang tanawin sa labas. Maliwanag pa rin ang araw at maaliwalas ang panahon. Pinanood ko ang paglagpas ng mga gusali at mga poste.

I let out a long sigh. It's been what? Two days after knowing about my pregnancy. Wala pang ibang nakakaalam kundi si Crane. Nag iisip pa ako kung ano bang dapat kong gawin.

I honestly don't know what to do.. I am pregnant and Luke's nowhere to find. Hindi pa siya nagpapakita for already about two weeks now.

Kahapon nga ay napadpad ako sa Mighty-M pero hindi naman ako nagkalakas loob na puntahan siya sa opisina niya.

How am I supposed to tell him? Should I just barge in his office and tell him I am fucking pregnant?! Parang hindi naman yata magandang ideya iyon lalo na't wala naman kaming commitment.

Hinilot ko ang sentido ko. Nakakasakit ng ulo ang pag iisip! Idagdag mo pa ang mga morning sickness ko at sudden nausea. Jusko, ang hirap pala magbuntis!

Bumaba ako sa harap ng building ng unit ni Molly. Nag elevator ako at halos bumaliktad na naman ang tiyan ko sa hilo.

Nang magdoor bell ako ay naka uniform pa si Molly at mukhang kararating lang din galing trabaho.

"Come on in," anyaya niya at niluwagan ang bukas ng pinto.

Pumasok ako at nilapag ang mga gamit sa center table niya.

"Kitchen?" Aniya at pinasunod ako sa kusina niya. Umupo ako sa stool habang siya ay naglabas ng pagkain mula sa ref. Nilagay niya ang lasagna sa mesa at kumuha ng mga plato at kubyertos.

"So...?" Tinignan niya ako ng nagtatanong habang binibigyan ako ng juice. Ngumiwi ako. Ayoko ng juice pero kinuha ko pa rin.

"Molly..." Tinitigan ko ang baso ng pineapple juice bago siya tinignan sa mata. "I'm.. Uhh.."

The words can't seem to roll off in my tongue. Napainom ako sa juice at parang hindi ko iyon nalasahan.

"I'm pregnant. I'm having a baby." Halos pumiyok ako sa huling salita.

"You're what? Having  what?!" Molly's eyes grew like the size of saucers. Nahulog niya pa iyong lasagnang nasa tinidor niya.

"Pregnant. Baby," wika ko at bumuntong hininga. Ilang segundo itong natigilan. Tila prinoseso ang narinig.

"Kanino?! Iharap mo sa akin ang ama niyang batang iyan! Is it Crane?!"

Nagsimula itong maghisterya habang pinandidilatan ako ng mga mata. Nagtaas ako ng kamay sa harap niya.

"Calm down. It's not Crane, okay? It's Luke.."

Natahimik siya at tinignan ako ng taimtim. "Paano nangyari?" Tanong niya.

"Should I put it in details? Duh! Eh di may nangyari! Nakuha niya ang bataan! Itinaas ko ang bandera!" Wika ko at umirap sa kawalan.

"Oh.. My... God.. Oh.. My.. God! I am gonna be a ninang! Ninang na ako!" Sigaw niya at nagtatatalon habang hawak ang tinidor at hinahampas iyon sa ere.

I stared at her unbelievably. What the heck? Okay. This wasn't the reaction I was expecting from her. Ang inaasahan ko ay bubugahan niya ako at ipapamukha kung gaano ako katanga with matching diagram and definition pa!

In His Paradise (Completed)Where stories live. Discover now