Kabanata 27

447 14 4
                                    

Threat

Ipinarada ko ang Vios sa bakuran namin at nagmadaling pumasok ng bahay. The unshed tears made my vision blurry.

Bukas pa ang TV sa sala at naroon si Mama.

"Oh! Bakit ngayon ka lang anak?"

Lumapit ako sa kanya at yumakap. The warmth of her embrace made me want to cry in her shoulders. But I refrained myself from breaking down. I don't want her to see me cry miserably. Ayokong mag alala siya.

"Aakyat na ako Ma," paalam ko.

"Hindi ka kakain?" She asked. Umiling ako.

"Hindi ako gutom. And.. I'll be back in Manila tomorrow," sagot ko.

Yes. I'd made up my mind. Hindi healthy na narito ako. Hindi ko na makakaya pang harapin ang mga sitwasyon na maaaring mangyari kapag narito ako.

Nagulat si Mama sa sinabi ko at agad na gumuhit ang lungkot sa kanyang maamong mukha.

"Bukas na agad? Pero hindi ka pa nagtatagal rito..."

Bumagsak ang mga balikat niya. I can feel for her disappointment. But what can I do? I really can't stay here for another day.

"I'm sorry Ma.. May emergency kasi, that's why I have to go back to Manila this early," paliwanag ko.

I was feeling guilty. I felt guilty for being selfish to my Mom. I felt guilty for being busy keeping myself from pain that I had to endure my Mom's sadness. It makes me feel like the worst daughter ever.

Umakyat ako sa kwarto at inayos ang laman ng maleta ko. Isiniksik ko lahat doon ang mga dala kong gamit at ang iba ay iniwan na lang. I just wanted to get rid of all of these!

Nang matapos sa ginagawa ay naligo na ako at nagpatuyo ng buhok. Humarap ako sa salamin ng aparador ko at tumitig sa namumugto kong mga mata.

I never knew things here will go harder than I'd thought. Akala ko mahahanap ko na sa lugar na ito ang kalayaang gusto ko.

Akala ko once na tumapak muli ako rito at harapin ang mga puwang na naiwan ng nakaraan ay gagaling na ako.. That I could finally move on.

Pero bakit ang hirap? Parang lalo pang gumulo ang lahat. Bakit narito pa rin sa dibdib ko ang bigat?

A tear fell from my blood shot eyes.

He just told me the words I was aching to hear for too long. It should've felt like, 'at last! I finally heard it from him! I'm so happy!'

Pero bakit nakaramdam ako ng takot at pangamba nang marinig ko ang mga iyon sa kanya? Ang sakit sakit isipin na habang sinasabi niya iyon sa akin ay may babae at batang naghihintay sa kanya.

Instead of feeling happy, I felt bad for myself and for them. I felt like I was a mistress.

How could you do this, Luke?

Nakatulugan ko ang pag iisip at kinaumagahan nga'y buo na ang loob kong umalis at bumalik ng Maynila.

Alas otso nang matapos ako sa pagligo at nakapagbihis na din. Handa na akong bumaba upang mag agahan bago tumulak pa-Maynila.

Nakababa na ako ng hagdan nang makarinig ng ingay sa kusina. Nagmadali akong pumasok roon at natigalgal sa nakita.

What the fuck was Luke doing here?!

Napatigil ang kwentuhan nila ni Mama at parehong napatingin sa akin na nanigas sa kinatatayuan. Kunot noo ko silang tinignan pabalik.

Ngumiti si Mama sa akin at masigla akong binati.

In His Paradise (Completed)Where stories live. Discover now