Kabanata 23

409 10 3
                                    

Mine

Miyerkules ng gabi nang nakatanggap ako ng tawag mula kay Mama sa probinsya. Katatapos ko lamang magpahinga mula sa trabaho sa opisina.

"Anak may sobrang pera ka ba diyan? Naniningil na ang pinagkakautangan ng Papa mo noon.."

Napatigil ako sa pagbuklat ng ilang papeles na iniuwi ko para gawin rito sa bahay.

Ang pinagkakautangang sinasabi ni Mama ay ang pinagkautangan ni Papa nang palugi na ang negosyo. Hindi iyon alam nila tito Carlos at ng iba ko pang tito. Nalaman lang din namin isang taon pagkatapos mawala ni Papa.

Nagpasya kaming hindi na banggitin kahit kanino dahil nakahingi kami ng palugit. At ngayon nga'y naniningil na ang pinagkakautangan namin.

"Magkano ang hinihingi Ma?"

"Isang daang libong pauna, anak. Noong una nga'y 150,000 pesos ang hiningi ngunit nakiusap ako. Mabuti'y pumayag," aniya. Bumagsak ang loob ko sa narinig.

Halos kalahating milyon ang naiwang utang ni Papa. Hindi namin kinayang bayaran agad dahil huli na nang malaman namin at nailaan na ang napagtindahan ng bahay at kotse sa mga babayarin.

Nabayaran na namin ang halos kalahati sa loob ng tatlong taon sa tulong namin ni Toffy at ng isang kapatid ni Mama.

"Mayroon akong 65 thousand sa bank account ko, Ma---.."

"Humingi na kaya tayo ng tulong sa mga pinsan ng Papa mo? Nahihiya na ako sa inyo ni Toffy at Esmeralda.." Putol niya sa akin.

Si tita Esmeralda ay bunsong kapatid ni mama na tumutulong sa amin sa pagbabayad. Nasa ibang bansa kasi ito.

Napailing ako kahit hindi iyon kita ni Mama.

"Hindi tayo hihingi ng tulong kila tito Julio patungkol rito Ma.." pursigidong wika ko.

"Pero----.."

"Ilalabas ko ang 65 thousand sa bangko. May gig ako sa Sabado.. Siguro'y nasa kinse mil ang talent fee roon. Iyong kulang ay hihiram na lang muna ako sa mga kaibigan ko," sabi ko at tahimik na bumuntong hininga.

Biyernes nang magpasya akong dumaan ng mall upang doon mag withdraw at mag grocery na din dahil paubos na ang stock ko ng pagkain.

Hindi na muna ako sumabay kay Nancy sa pagpapadala dahil sa lunes ko na lamang ipapadala iyong pambayad ng utang. Kailangan ko pa kasing kompletuhin.

Patungo na ako sa hypermarket ng mall nang mapadaan ako sa isang shop ng mga gamit ng babies.

Literal na napahinto ako sa paglalakad at sumilip mula sa labas. Naroon sa loob si Violet Mercado at si Luke na may hawak ng ilang shopping bags. Tumitingin ang mga ito ng mga damit para sa mga sanggol.

May pinakitang maliit na damit si Luke at sinipat iyon ni Violet sabay haplos sa umuumbok niyang tiyan. Ngayon ko lamang napansin ang bahagyang pagbabago sa katawan nito.

Natigalgal ako sa kinatatayuan. I almost couldn't register the taking scene in front of my eyes.

Violet Mercado is pregnant and Luke was the father of her child?!

Nagsikip ang dibdib ko at bahagyang namuo ang luha sa mga mata ko. Kung hindi lang sa mga tao sa paligid ay humagulgol na ako ng iyak.

Nanginig ang mga labi ko kasabay ng pagpipigil ko ng luha. Nanlamig ang mga kamay ko. Tila nabuhusan ako ng nagyeyelong tubig habang pinagmamasdan silang masayang humahanap ng damit pambata.

Damn. I knew it! Tama ang hinala ko! The whole evidence was taking its place in front of me.

Ginamit lang ako ni Luke. Naghiganti lamang ito! He just wanted to taste his own revenge by taking away my virginity.. By using my body! Para lang ipakita kung gaano ako kababang babae!

In His Paradise (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon