Kabanata 18

361 11 0
                                    

Balang Araw

"Pack up! Pack up na ladies and gentlemen!" Sigaw ni Candy habang pumapalakpak ng mabilis.

Nagsi-ayos ng mga gamit na ginamit sa shoot sa isang magazine na ilalabas next month. Higit lima kaming modelo na kasama sa shoot para sa issue na iyon.

"Ihanda ang mga bank account niyo para sa sahod niyo!" Malanding humalakhak si Candy habang kami ay naghiyawan sa tuwa. Malaki kasi ang TF na makukuha namin sa shoot na ito dahil may kasikatan ang magazine na iyon. At isa pa, lumalago na din ang modeling agency na kinabibilangan ko.

"Ayos yan Candy! May pang date ako kay Empress!" Malakas na komento ni Crane kaya nagkatuksuhan na naman. Kami lagi ang bida sa tuksuhan nila kaya sanay na din ako.

Naramdaman ko ang pagkurot ni Amber sa akin kaya nilingon ko siya.

"Wagas makapagpalipad hangin ni Crane sayo ah?" Aniya. Nginisian ko lang siya at nagkibit balikat.

Palabas na kami ng building nang sumabay sa paglalakad ko si Crane.

"Sasama ka pa sa gimik?" Tanong niya. Umiling ako.

"Maaga ang pasok ko bukas sa office. Kayo kayo na lang muna," sagot ko at ngumiti sa kanya. Lumungkot ang mukha niya.

"Sige, hindi na lang din ako sasama," he said and pulled a pout. Natawa ako sa asal niya.

"Sira! Sumama ka nga! KJ nito," sabi ko at humalakhak.

"Eh hindi ka naman kasama," aniya at hindi naalis ang simangot nito. Pabiro akong umirap.

"Alam mo namang busy ako. Part time ko nga lang itong pagmomodelo para may dagdag kita 'no," sabi ko at sinulyapan siya. Diretso ang tingin niya sa labas ng building.

"Sinabi ko naman sayong tutulungan kita di ba? Ayaw mo tanggapin," seryosong wika niya at dinala ako sa kanyang Mazda 3.

Pumasok kami sa loob.

"Crane, your presence as a friend is enough help, okay? I still can pay my bills. May desente naman akong trabaho at sakto lang ang kita ko para sa sarili ko at padala sa probinsya," wika ko. I gave him a reassuring smile.

"Friend lang talaga?" Aniya sa nagtatampong boses. Tumawa ako. Napakaisip bata talaga nito, oo!

"Close friend, okay na?" Natatawang tanong ko. Nanulis ang mga labi nito at halatang pinipigilan ang ngiti.

"Wala bang more than friend?" Aniya bago iliko ang sasakyan niya patungo sa street ng apartment na tinutuluyan ko.

"Crane, we've already talked about this right?" Buntong hininga ko at may pakiusap na tumingin sa kanya.

He just smiled bago niya hininto ang sasakyan sa tapat ng pulang gate. Umikot siya at pinagbuksan ako. Nang makababa ay isinabit ko ang bag ko sa aking balikat.

"It's been years, Empress. Hindi mo ba bubuksan iyan para kanino, kahit na hindi sa akin?" Itinuro niya ang dibdib ko.

May kumirot sa parteng iyon ng katawan ko. Ang kirot na ilang taon nang namamalagi roon, ngunit bakit hindi pa rin ako sanay? Kailan ba ako masasanay? Saan ba nakakabili ng para sa immunity? May available bang ganoon sa drug store?

Nang hindi ako umimik ay humalik na siya sa noo ko at nagpaalam. Umugong ang sasakyan niya at umandar palayo.

Sana nga ganoon lang kadali Crane. Kasi kung ako ang tatanungin, sawang sawa na din ako sa nararamdaman ko. Pero hindi ko alam kung paano gagaling ito.

Araw araw sinisisi ko ang sarili ko. Iniisip ko kung saan ako nagkamali. Kung alin sa mga desisyon ko ang mali.

Higit apat na taon na ang lumipas. At wala ni isa sa mga araw na nagdaan na hindi ako nasaktan... Hanggang ngayon.

In His Paradise (Completed)Where stories live. Discover now