Kabanata 16

324 10 0
                                    

Performance

Huling buwan na ng semestre. Ang bilis ng panahon. Parang kailan lang nang labag pa sa loob ko ang manatili sa Arnedo.

Kabababa ko lang ng tawag mula kay Molly. Nangangamusta ito at pinaalalahanan ako tungkol sa isang linggong bakasyon nila rito sa Arnedo.

Napag usapang pupunta sila ni Amber at Kevin dito, ganoon na rin si Crane, sa unang linggo ng Nobyembre.

Niligpit ko ang mga gamit ko at lumabas ng Arnedo College. May usapan kami ni Luke na magkikita sa tree house ngayong hapon. Siguro'y naroon na ito ngayon dahil maaga nang natapos ang klase niya.

Nagtricycle ako papunta sa Arnedo Eco Park. Nakakatuwang isipin na nasanay na rin ako sa pagsakay sa tricycle. Samantalang tandang tanda ko pa ang pagngingitngit ko nang unang sakay ko roon.

Pagkababa sa sasakyan ay diretso ang tungo ko sa tree house. Umakyat ako kahit na nakapalda at heeled shoes ako. Hindi ko na iyon ininda dahil kasabikan lamang ang nangingibabaw sa dibdib ko.

Hindi ko alam na maaari palang datnan pa rin ng walang sawang kasabikan kahit na halos araw araw mong nakikita ang taong iyon.

Pag akyat ay nakita kong sarado pa ang tree house. Nagtataka man ay pumasok na lamang ako sa loob. I was kind of expecting some surprises. Ngunit ang malamig na kawayang sahig ang sumalubong sa akin.

Naglatag ako ng banig at umupo roon habang nagtitipa ng text kay Luke. Hindi pa ito nagtetext mula kaninang naghiwalay kami ng klase.

To Luke:

I'm already here. Saan ka?

Ilang minuto na ang lumipas mula nang magsend ang mensahe ko ngunit hindi ako nakatanggap ng reply. Sinend ko pa ito ng ilang ulit para makasigurado.

Papalubog na ang araw at isa't kalahating oras na ang lumipas pero wala pa ring Luke na nagpapakita. Naiinip at nag aalala na din ako.

Hindi kaya ay nakalimutan niya? Paano niya nagawang kalimutan ang usapan namin?

Nakaramdam ako ng pagtatampo pero mas higit ang pag aalala. Dapat ay nauna pa siyang dumating dito kaysa sa akin. Ngunit bakit wala pa siya?

Madilim na ang langit at lumalalim na ang gabi ngunit wala pa ring Luke na dumating.

Bumuntong hininga ako at niligpit ang banig saka bumaba sa hagdan. Nasa huling baitang na ako nang bigla akong nadulas sa pagkakaapak.

Nauntog ang ibaba ng tuhod ko sa matigas na kahoy bago ako bumagsak sa lupa. Nanuot ang sakit sa puwitan ko at ang mainit na pakiramdam sa bandang tuhod ko. Mahapdi ito at kumikirot.

Ang malas malas! Nasaan na ba kasi si Luke?!

Nagbadya ang luha ko at agad na tumayo upang makaalis. He better have a good explanation for this!

Umuwi ako sa bahay na iniinda ang kirot sa may ibaba ng tuhod ko. Kumakalam na rin ang sikmura ko dahil mag aalas diyes na ng gabi at hindi pa ako naghapunan.

Kinaumagahan ay maaga akong pumasok para hanapin si Luke. Hindi pa rin ito nagtetext mula pa kahapon.

Nakita ko siya sa tapat ng library na parang nagmamadali. Nang mapansin niya ako ay mabilis siyang lumapit at yumakap sa akin.

"Babe, I'm sorry!" Aniya at ikinulong ang mukha ko sa magkabilang palad niya. Nag aalala ang kanyang mukha. "Pumunta ka ba sa tree house?"

"Oo," sagot ko.

"Naghintay ka? Gaano katagal?" Alalang tanong niya. Naramdaman ko ang pag asim ng mukha ko ngunit pinigilan ko ito. Kailangan ko siyang pagpaliwanagin bago ako magtampo. I somehow want to hear his side.

In His Paradise (Completed)Where stories live. Discover now