Kabanata 7

533 15 3
                                    

Matutuwa

Huminto ang Toyota Innova namin sa harap ng sementeryo. Nababakuran lamang ito ng mga lumang kahoy at nangangalawang na alambre.

Tanaw ang mga puting nitso sa loob nito. Ngayon lang ako nakaapak sa sementeryo ng probinsya. Malaki ang pagkakaiba nito sa sementeryong pinaglibingan ng lolo at lola namin sa side ni Mama. Malawak iyon at mas maraming nitso kumpara rito.

Bumaba kami ng sasakyan-- si Papa, Mama, Toffy at ako. Papa wanted us to visit his parents' grave. Siguro ay matagal na noong huling bumisita si papa rito at ngayon lang ulit siya nagkaroon ng pagkakataon, kasama kami.

Bitbit ang dalawang kumpol ng mga bulaklak na nakalagay sa basket ay tinalunton namin ang makikipot na daan sa pagitan ng mga nitso.

"This is your grandparent's grave."

Inilahad ni papa ang isang tila maliit na chapel. Nababakuran ito ng mga bakal na may pinturang creamy white. Sa loob nito ay makikita ang dalawang magkatabing nitso na napipinturahan ng puti. May krus na nakadikit sa pinakasentro ng pader.

Crisostomo D. Cabrerra

Lucia A. Cabrerra

Binuksan ni papa ang padlock at pumasok kami sa loob. Malinis ito. Siguro ay nililinisan nila tito Miguel o kaya naman ay may care taker dito. But I doubt that. Ang sabi kasi ni Mabel ay kanya kanyang linis ng nitso dito sa probinsya.

"Put the flowers there," lahad ni papa sa ibabaw ng lapida. Inilagay namin ni Mama ang mga bulaklak. "Yong kandila?"

Inabot ni Toffy kay papa ang dalawang puting kandila at sinindihan ito. Binalot kami ng katahimikan.

Papa's eyes were shut, just when I realize he was offering a solemn prayer for our grandparents. Pumikit rin ako at nagdasal. I never met them even once dahil patay na ang mga ito bago pa ikasal si mama at papa. I feel bad for papa. What would it be like getting married without any of your parents beside you? Sana hindi ko maranasan iyon. Gusto kong kasama si mama at papa habang naglalakad sa altar.

At bago ko pa ma-imagine kung sino ang groom ko ay nakuha na ni papa ang atensyon ko.

Umupo ito sa tabi ko. Sa kaliwa niya ay si mama na humawak sa braso niya. Si Toffy ay nakaupo sa ibabaw ng nitso katulad ng lagi niyang ginagawa kapag binibisita namin sila Lolo at Lola sa sementeryo sa Maynila.

"Kailan ang huling bisita mo rito, Topher?" Tanong ni mama kay papa.

"Last year? Noong nagpatulong si kuya Carlos sa paghahanap ng kapalit ng trucking na dati niyang inuupahan."

"Matagal rin pala. Hindi naman kaya magtampo ang Inay at Itay niyan?" Mahinhing humalakhak si mama sa sarili niyang biro.

"Mabuti nga at nakadalaw rin rito sa wakas itong mga anak natin," ani papa at bahagya kaming nilingon ni Toffy.

"Empress, dear," agaw atensyon sa akin ni mama. "Alam mo bang ang Lola mo rito ay isang napaka ideyal at napakabait na ina? She's so adorable. Mukhang istrikta pero malambot iyan pagdating sa pamilya. Malalim at malaman kung magsalita."

Ngumiti si mama kaya ngumiti rin ako. Bakas sa mukha niya ang paghanga at pagmamalaki sa Inay ni papa. Nakinig lamang ako sa pagpapatuloy niya sa sinasabi tungkol kay Lola.

"Alam mo kung ano ang pinakatumatak sa akin sa lahat ng mga sinabi niya noon? Na hindi totoong kapag nagmahal ka ay hindi na kailangan pa ng dahilan. Kasi kapag nagmahal ka, libo libo ang dahilan pero hindi mo na kailangang isa isahin pa."

*****

Mag iisang buwan na ang lumipas at hindi ko na ulit nakita si Luke pagkatapos noong nangyari sa Carayan.

In His Paradise (Completed)Where stories live. Discover now