Kabanata 28

403 10 5
                                    

Paano

Padabog kong nilapag ang extra pillows at comforter sa harap ni Luke. Hindi mawala ang pagngingitngit ng kalooban ko nang ipilit nitong rito siya matutulog sa apartment ko.

"Bakit ba ipinagpipilitan mong dito ka matutulog?! Wala ka bang sariling bahay?!" Singhal ko at sinamaan siya ng tingin.

Hindi siya umimik at kinuha ang comforter at unan bago tahimik na humilata. Nakipagtitigan lang siya sa akin.

"Dagdag palamunin ka lang dito! Sayang pa sa kuryente para sa electric fan mo!"

Tuloy tuloy ang talak ko dahil hindi siya sumasagot. Hindi ko nga alam kung matutuwa akong hindi ito nagsasalita o maiinis ako dahil para akong nakikipag away sa hangin!

"I'm going to pay your bills. Babayaran ko din ang kakainin ko para ngayong gabi at bukas ng agahan," sagot niya ng walang kakurapkurap.

Naiinis akong suminghap at padabog na umakyat ng kwarto para magbihis. Pumasok ako sa banyo at nagshower dahil nanlalagkit ako mula sa biyahe.

Ang totoo ay sinabi ko lang ang mga iyon upang umalis siya at makalayo ako sa presensya niya. Alam kong masyadong naging matalas ang dila ko pero iyon lang ang alam kong paraan para itaboy siya.

Tinapos ko ang pagligo at nagbihis ng pyjama at spaghetti strapped sando. Tinigilan ko muna ang pag iisip at bumaba upang gumawa ng hapunan namin.

Nakita kong wala na si Luke sa sofa at naiwang nakatupi ang comforter sa ibabaw ng unan. Umalis na ba ito? Pero narito pa naman ang kanyang bag.

Pagpasok ko sa kitchen ay narinig ko ang lagaslas ng tubig sa banyong katabi ng kusina. Common bathroom iyon para sa mga bisita ko at mga kaibigan.

Binuksan ko ang ref at naghanap ng pwedeng makain. Mayroong spam roon at iyon na lang ang kinuha ko dahil masyado nang baldado ang katawan ko para magluto pa ng matinong dinner. Nagsalang na din ako ng kanin sa rice cooker bago iprito ang spam.

Inaahon ko na ang lutong spam nang bumukas ang pintuan ng banyo. Napalingon ako roon at halos mabitawan ko ang platong hawak ko nang makitang nakatayo roon si Luke na walang pang itaas na damit. His cotton pants hanged dangerously low on his hips.

Napasinghap ako bago pilit ibinalik ang tingin sa ginagawa ko. Jusko, katukso tukso ang lalaking ito!

"Need help?" Aniya at lumapit habang isinasabit ang basang tuwalya sa hubad niyang balikat. Nanginig ang mga tuhod ko nang maamoy ko ang bagong ligong amoy niya sa tabi ko.

"Hindi na.. Maupo ka na lang diyan," halos mautal na wika ko habang pinipilit kalmahin ang sarili ko.

Hindi siya lumayo at tahimik lang kaming nagpapakiramdaman. Dinala ko ang pagkain sa mesa at siya na ang kumuha ng kanin. Kumuha din ako ng mga plato at kubyertos. Nilagay ko ang pitsel na may lamang malamig na tubig sa mesa kasama ang dalawang baso.

Magkatapat kaming naupo. Nakatitig lang siya sa akin habang ako ay inaabala ang sarili sa pag aayos ng hapag.

"Pasensya na, hindi na ako nakapagluto ng maayos na ulam," sabi ko bago tumusok sa spam at kumuha ng kanin.

"Ayos lang. Hindi ko din naman gustong mag abala ka pa. Lalo't pagod ka pa," aniya at nagsimulang kumain.

Naiilang akong sumubo sa harap niya. I was uncomfortable. Kahit kumakain kami ng sabay noon.. Iba lang kasi talaga ngayon.

"May trabaho ka bukas?" Tanong niya at tinignan ako habang sumusubo. Nadistract ako sa paggalaw ng mga labi niya habang ngumunguya kaya napayuko ako.

In His Paradise (Completed)Where stories live. Discover now