Kabanata 19

363 10 1
                                    

Pinakawalan

I was suddenly feeling dizzy. Masyadong maraming emosyon ang dumadaloy sa akin at hindi ko mapangalanan ang mga iyon.

Ang tanging alam ko lang ay ang marahas na paghampas ng dibdib ko at ang kakulangan ng hangin sa paligid. I felt claustrophobic and I was finding it hard to breathe. His presence was suffocating.

Four years.. And he still have that same effect on me. Ganoon kalakas. Ganoon karahas. It was too powerful that it hurts.

Napayuko ako at pilit itinuon ang pansin sa masarap na pagkain sa plato ko. Pero kahit anong gawin ko ay hindi na ako makakain.

I was just picking at my food and stealing glances at him from time to time. Umupo siya sa kabilang dulo ng resto ngunit kita ko pa rin siya.

Nakita kong nilapitan siya ng waiter. Umalis iyon at sumandal siya sa kanyang upuan habang nakacross arms.

Ngayon ko lang siya nakitang ganyan kaarogante kung umasta. I also noticed his piercing on his right ear. It matches his strong and masculine feature.

Ano pa Luke? Ano pa ang nabago sayo?

Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko. How can you hurt me so damn much just by your presence? How can you still hurt me after all these years?

Nagbadya ang luha ko ngunit pinigil ko ito alang alang kay Crane. Keep yourself collected, Empress. You can't do this to Crane. He doesn't deserve this. Dapat nga ay bumabawi ka ngayon. Bakit ka nagkakaganyan?

Sinubukan kong magbukas ng usapan upang iwasan ang pagkabahala ko. Ngunit patuloy ang naging pagsulyap ko sa kinaroroonan ni Luke kada ilang minuto.

Napahinto ako sa sinasabi nang paglingon ko kay Luke ay nagtagpo ang mga tingin namin.

I've got my breath caught. My heart was beating wildly inside my ribs. I was too stunned to even look away.

And what I saw in his eyes made my stomach empty. His eyes were empty and cold... Very cold. Iyon ba iyon? Iyon ba ang kanina ko pang hinahanap na pagbabago sa kanya maliban sa pagmature ng physical features niya?

It was a painful sight, so I looked away. Parang may humihiwa sa dibdib ko.

"Are you alright, Emp?" Nag aalalang tanong ni Crane nang mapansin yata ang pamumutla ko. I nodded.

"I'm okay," sagot ko. Or at least, I was trying to be okay.

Just when I thought the night couldn't get any worse, I saw Violet Mercado walked through the door way in her sexy red lacy dress showing off her fair long legs. She sashayed her way through the tables and to Luke who stood up and pulled a chair for her.

Bumayo ang dibdib ko. May dumidikdik roon na kung ano. Pinawisan ang mga kamay ko at nanlamig ang sikmura ko. I suddenly felt nauseous.

"Are you sure you're alright?" Ani Crane at sinuri ang ekspresyon ko. "Gusto mo na bang umuwi? You don't look okay."

Gumuhit ang pag aalala sa mukha nito. Tumango ako at sumang ayon na umuwi na lamang.

Hindi ko na kaya ang paghalukay ng kirot sa dibdib ko. Tumayo ako at inalalayan ni Crane.Nag iwan na lamang ito ng pera sa table at kinuha ang mga dala namin.

Nanginginig ang mga binti ko habang palabas ng resto. Pasalamat na lamang ako dahil nariyan si Crane na sumusuporta sa balanse ko.

Nang dumaan kami sa tapat nila Luke at hangang sa tuluyan kaming makalabas ay hindi niya man lang ako tinapunan ng tingin.

Hindi ko alam kung dapat ko ba iyong ipagpasalamat o ikalulungkot. Kahit ako ay nalilito sa sarili ko.

Inihatid ako ni Crane sa apartment. Mabilis lang akong nagpasalamat at nagpaalam. Mabuti na lamang at hindi na ito nag usisa pa.

In His Paradise (Completed)Where stories live. Discover now