Kabanata 1

750 22 0
                                    

Mapanghusga

Natapos ang week end at tuluyan na rin naming nalasap ang end of semester. Ang mga grades namin ay ipapadala na lang via email. Makakapag relax na kami ng tuluyan at umpisa na ng summer vacation na pinakahinihintay ng lahat.

Gusto ko din sanang makisaya katulad ng nararamdaman ng karamihan ngunit hindi ko magawa. Tuwing naiisip kong tapos na ang semestre at simula na ng bakasyon ay kinukurot ang puso ko sa ideyang iiwanan ko na ang lugar na ito. Hindi ko yata makakaya.. Pero wala akong magawa. I feel so hopeless.

If I could only convince my father to let me stay in Manila.. Ngunit hindi, dahil kahit lumuha ako ng dugo ay siguradong hindi ako mapagbibigyan sa kagustohan.

Sa bakuran ay kitang-kita ang nakamamanghang pag-aagaw ng dilim at liwanag. The sun rays slowly sprung from the bottom of this world up to the light forbidden sky.

"Ipasok niyo na ang mga gamit," wika ni Molly na handang handa na para sa Batangas namin.

Sa bahay na sila nag-sleep over ni Amber maliban kay Kevin. Sasakyan kasi ni Kevin ang gagamitin kaya sinundo niya na lang kami sa bahay.

Alas sais pa lang ng umaga at palabas pa lang ang araw pero ayaw papigil ng excitement nila. Kahit ako ay excited din at iwinaksi muna ang mga iniisip. Gusto kong sulitin ang mga natitirang araw ko rito sa siyudad kasama ang mga kaibigan ko.

Now I can say that it's real.. You will just feel the worth of the things you ever had once you are about to lose them. Natatakot ako.. Natatakot akong pakawalan ang mga bagay na buong buhay nagpasaya sa akin. But I don't know how am I going to keep these things with me if the world's already taking it away from me.

Nakaligo at nakabihis na kaming lahat. Maikling shorts at white V-neck na shirt ang suot ko. Sa loob nito ay ang itim kong bikini. Naka bikini na rin ang dalawa at pinatungan lang rin ng kanilang damit. Si Kevin ay naka board shorts at T-shirt na gray.

Pinagmasdan ko silang hindi napapalis ang ngiti sa mukha. Naiinggit ako dahil napakatotoo ng mga ngiti nila sa labi. Kailangan kong maging masaya sa araw na ito. I want them to feel that I am so happy with them and I love them so much. I'm going to miss them..

Bago pa tuluyang tumulo ang luha ko ay pinigil ko na ito. Bumukas ang aming pintuan at lumabas si Mama na nakapantulog pa.

"Are you all set?"

"Opo tita. Katatapos lang ilagay ang mga gamit. Salamat po pala sa pag accomodate sa amin at sa pabaon niyong graham," ngiting sagot ni Molly. Ngumiti rin ang mag nobyo na si Kevs at Amber.

Bumaling sa akin si Mama at ngumiti. Binigyan ko siya ng matamis na ngiti bago niya muling ibaling ang paningin sa lahat.

"Mag enjoy kayo ha? Empress, honey, text me when you get there." Tumango ako at nagpaalam na kami.

Si Kevin ang nagdrive at si Amber sa harap. Kaming dalawa ni Molly sa likod. Hindi nabawasan ang energy nila kahit nasa biyahe.

"Hahanap nga din ako ng boylet doon sa resort. Yong gwapo at hot!" Tili ni Molly at malanding humalakhak. Nakitawa din kami. "Ikaw din, Empress! Dalawang taon na tayo sa kolehiyo pero hindi ka man lang nagka-boyfriend. Sino yong huli mo noong high school noong grade 12 tayo?"

"Si Mikko," walang ganang sagot ko.

Napaka talaga nitong si Molly. Lahat binabalikan. Hindi naman sa bitter ako pero may mga bagay lang talagang nakakainis kapag inaalala.

"Ah, oo! Si Mikko. Sayang, gwapo sana at hot kaso malibog at manloloko!"

Sinimulan niyang balikan ang mga pangyayari na para bang hindi namin iyon alam. Magkakasama na kami noon pang high school kaya alam na alam nila ang nangyari sa amin ni Mikko.

In His Paradise (Completed)Where stories live. Discover now