Kabanata 2

608 19 1
                                    

Familia Cabrerra

Nang mag Lunes ay handa na ang lahat para sa pag-alis namin patungong probinsya. Hindi na kinailangang umarkela ng truck ni Papa dahil maleta na naglalaman ng mga damit lamang ang mga dala namin. Ang Toyota Innova ni Papa ang ginamit namin dahil mas maluwang iyon kumpara sa Vios ni Mama.

"Ready?" Tanong ni Mama sa akin. Tinanguan ko lang siya at binigyan ng tipid na ngiti. Ngumiti siya ng malungkot at niyakap ako. "I'm sorry honey.. Promise, everything will be fine."

Napanatag ako sa sinabi niya ngunit hindi ko maitatanggi ang nagbabadyang pangungulila sa dibdib ko. Pinasadahan ko ng tingin ang kabuoan ng aming bahay.. Ang kulay beige na pintura nito at ang outline na maroon sa bawat sulok. Ang wooden front door.. Ang sliding windows na sobrang tinted.. Ang bermuda grass sa paligid nito.. Ang mga halaman ni Mama sa harap ng bahay.. Ang hirap pakawalan ng mga bagay na nakasanayan mo na.

Sumakay kami sa sasakyan at katabi ko si Toffy na nasa pinakasulok. Si Papa ang nagdrive at si Mama sa front seat. Ako ang nasa pinto at ang siyang huling pumasok. Umandar ang sasakyan namin at naiwan
ang paningin ko sa aming maroon na gate hanggang sa mawala ito sa aking paningin.

It felt like I was letting go of something I held on my whole life. Mabigat sa dibdib at puno ng pagsisisi. It felt like giving up everything for something unknown. Sobrang labo at mapanganib.

Nagvibrate ang phone ko dahil sa isang text kaya natuon roon ang aking nagsisimulang uminit na paningin.

Molly:

Emp, kumusta? Ngayon ba alis niyo?

Nagtipa ako ng reply.

To Molly:

Yep. Kaaalis namin. God, I'm feeling emotional. Gusto kong tumalon palabas ng sasakyan at bumalik sa bahay. :(

Nang magsend ito ay kinuha ko ang ear plugs ko at isinalpak sa aking magkabilang tainga. Tumunog ang isang random na kanta. Nag-vibrate muli ang phone ko. Dalawang beses. Ang isa ay galing kay Amber at ang isa ay kay Molly.

Amber:

Ngayon alis niyo? Ingat sa biyahe. I'm gonna miss you.

To Amber:

I'm gonna miss you too. I'll keep in touch. Promise.

Molly:

Baliw! Pagtumalon ka e di patay ka! Parahin mo na lang. Hahaha Mamimiss kita! Punta kami doon minsan nila Amber at Kevs ha?

To Molly:

Patay agad? Mamimiss din kita. Sige bisitahin niyo ako sa semestral break?

Naubos ang oras ko sa katetext. Nang sumakit ang mga mata ko ay huminto ako at nagmasid sa daan. Magtatanghaling tapat na at nagugutom na ako. Limang oras na kaming bumabyahe at may limang oras pa kami bago makarating sa probinsya nila papa. Sampung oras daw ang byahe papunta roon galing Maynila.

Can you imagine how far I need to travel just to get back to Manila? This is just so impossible! Nais kong magprotesta ngunit wala naman akong magawa!

"Lunch muna tayo," anyaya ni Mama bago kami magpark sa isang Drive Thru. Bumaba kami at nahuli si Toffy na bagong gising lang.

Saglit lang kaming kumain at bumiyahe ulit. Alas kwatro y media na ng hapon nang bumungad sa amin ang arko na nagsasabing "Welcome to Arnedo."

Hindi ako nakatulog sa buong biyahe. How can I sleep if my mind is going around circles? Pakiramdam ko'y may mga katanungan akong kailangang mabigyan ng sagot bago ako mapanatag sa mga nangyayari.

In His Paradise (Completed)Where stories live. Discover now