Kabanata 12

367 15 1
                                    

Daniel and Portia

"Good afternoon class. For attendance checking.." Nagsimulang magtawag ng apelyido ang aming professor. "Marquez, Luke Timothy?"

"Excused Mam!" Sagot ng isang kaklase ko. Tumango si Mam na tila alam na kung bakit ito excused sa klase ngayon. Bakit naman kaya excused iyon? Hindi kaya may sakit? Kaso present naman siya sa previous classes ah?

"You," itinuro ako ni Mam dahil nasa last row ako.

"Yes Mam? Empress Cabrerra po," sagot ko.

"Ms. Cabrerra, will you go to the guard house and get the printed hand outs? Iyong guard house malapit sa gymn. Hurry up, we need that for discussion," wika nito kaya mabilis akong tumayo at lumabas.

Dumiretso ako sa gymn at sa maliit na guard house sa harap nito.

"Excuse me, Sir," tawag atensyon ko sa nakabantay na guard. Tumayo naman ito at sumilip sa window.

"Ano yon Miss?"

"Pinapakuha po ni Mam Domingo iyong hand outs," sagot ko.

"Ito," inabot ni kuyang guard ang pile ng print outs at agad ko naman kinuha pagkatapos magpasalamat.

Naglakad ako papunta sa building ng klase ko pero nag iba ako ng dinaanan dahil short cut iyon. Halos walang estudyante sa parteng iyon ng school dahil Audio Visual Room lamang iyon. Lalagpas na sana ako roon nang makarinig ng pamilyar na boses.

Hinanap ko ang pinanggalingan ng boses at nakita si Luke na nakatayo sa silong ng puno ng mangga. Nakaupo sa bench na nasa harap niya si Violet Mercado. Dahil sa nakita ay napako ako sa kinatatayuan ko. Lalo pa akong natulos sa pwesto ko nang marinig ang usapan ng mga ito.

"Mistakes. Talaga? Bakit hindi mo sabihin yan sa sarili mo? Nasira tayo dahil sa pagkakamali mo! Dahil sa mga maling ginawa mo! And now what?" Galit na nakatingin si Violet kay Luke.

"That's why I am here! I am explaining things because--.."

"Because what?! You want me back?! Sa tingin mo ganon kadali iyon?!"

"Yes, I want you back! I want you back kahit gaano pa kahirap! Ano pa ba ang kailangan kong gawin?! Lumuhod? Umiyak sa harap mo? Kasi lahat gagawin ko bumalik ka lang sa--.."

Kusang humakbang ang mga paa ako palayo sa kinaroroonan ko. Kahit ako ay hindi kinaya ang eksena sa pagitan nilang dalawa. What the heck had I just witnessed?! An argument between someone I like and his ex?!

Someone I like, rumehistro sa utak ko ang mga salitang naisip. Tila nag flashback lahat ng pangyayari na kasama ko si Luke.. Nitong mga nakaraang araw na sunod ng sunod at dikit ng dikit siya sa akin. Iyong mga pasimpleng pagtabi niya sa akin sa bawat klase. Iyong simpleng titig at sulyap niya sa tuwing may pagkakataon. Iyong pag timing niya tuwing lunch time para makiupo sa table ko kahit nandiyan ang mga pinsan ko. Iyong pagsabay niya sa tricycle at pagpapamasahe para sa aming dalawa na nakaugalian niya na yata. Iyong mga text niya tuwing gabi na pinakaaabangan ko. Yong mga unexpected good night phone calls niya.

Then bumalik sa isip ko lahat ng halo halong pakiramdam tuwing nandyan siya, kapag kasama ko siya.. Kilig. Tuwa. Kabog ng dibdib. Shivers. Tingles. Sparks. Anticipations. That cloud nine feeling. Yung pag iisip ko sa kanya tuwing gabi simula noong nakilala ko siya. Lahat ng panaginip ko na pantasya tungkol sa kanya. My last thoughts of him every night..

And now that I had finally admitted to myself-- that I've finally lowered my pride just to accept the realization that I freaking like him.. Then I'm gonna hear those kind of shits? Wow, kill me now!

In His Paradise (Completed)Where stories live. Discover now