Chapter 2 : The 3 Kings

4K 172 18
                                    

[ Shu's POV ]

Maaga ako nagising ngayong umaga para sa enrolment at alas 7  palang ng umaga. Mamayang alas 9 kasi ang simula ng enrolment kaya pupuntahan ko muna si Nery sa shop nila. Kaya nagbihis nako, toothbrush at hilamos na din atsaka lumabas na ng bahay.

Papunta nako sa shop nila Nery at madadaanan ko rin yung school na pinapasukan namin. Sa pagdaan ko ay may mga iilan na din na nasa labas at may nakita akong mga babae na may banner na nakalagay ay "Welcome in Macario Highschool 3 Kings".

Sino kaya yung 3 kings na yan?. Bulong ko sa sarili ko.

Pagkarating ko sa shop ay nakita ko si Nery na tinutulungan ang tita niya kaya tinawag ko siya.

Nery!. Sigaw ko

Napatingin siya kung saan ako sumigaw at nakita niya ako kaya lumapit agad ako sa kanya.

Ano? Hindi ka pa maghahanda para sa enrolment?. Tanong ko.

Saglit lang naman tsaka anong oras palang nman ehh 7:25 pa lang. Tumingin siya sa orasan na nakakabit sa gilid ng shop nila.

Okay nga na maaga tayo ehh para wala na tayong pro problemahin.

Oo na sige papaalam nako sa tita ko. Sabi niya at lumapit sya sa tita niya at umalis na din kami.

Habang naglalakad ay dumaan ulit kami sa tapat ng school .

Ang daming tao Shu. Tukoy niya habang nakatingin sa tapat.

Nakita ko nanaman yung banner na hawak ng mga babae at nakita din yun ni nery at sabay tanong sakin.

Pre kilala mo ba yung 3 kings?. Tanong niya.

Hindi ko nga kilala yan eh baka transferee ata sila dito.

Sa totoo lang hindi ko alam kung sino ang mga 3 kings na yan at taga saan sila matagal na kasi akong nag-aaral sa school na ito eh kaya kilala ko kung sino dito yung mga sikat na estudyante.

Pinag patuloy na lang namin ang paglalakad hanggang sa makauwi. Nag asikaso nako ng kakailanganin ko  at pagtingin ko sa orasan ay sakto 8:30 AM na kaya nagpasyahan ko na lumabas.

Paglabas ng bahay ay nakita ko na siya dala yung mga requirments niya ganun din ako.

Tara na?. Tanong ko

Sige. Maikling sagot nito.

Mga ilang minuto ay dumating narin kame sa school.

• Macario High School •

Ang haba ng pila shet. Sabi ni Nery na nakatingin sa mga naka pila sa harapan.

Grabe ang haba nga. Mukhang makakauwi tayo ng hapon nito. Sabi ko.

Cross Fire Online [ Completed ] [ Under Revision ]Where stories live. Discover now