Chapter 88 : Reunion ( Final Chapter )

1.2K 41 8
                                    

Thirdperson POV

[ 2 Months Past ]

- Virtual World -

Sa dalawang buwan na lumipas ay masayang namuhay sila Shu at ang kaniyang mga kaibigan. Nagpatuloy padin silang maglaro ng CFO dahil din yun na ang kanilang kinasanayan.

Kasalukuyan ngayong nagdedecorate sila Mantha at ang Team ni Shu para sa isang napakahalagang okasyon ngunit ang ating bida ay nakahiga lang sa kama ng kwarto ng bahay nila.

Hubby! Tumulong ka kaya dito samin. Sigaw ni Mantha

Oo nga naman Shu, nagplano plano ka ng reunion ng mga co-player natin tapos nakahilata ka lang dyan??. Gatong ni Alex pero hindi sumagot si Shu na parang walang narinig.

Anu ka ba naman Kenken! Anyare ba sayo at pagod na pagod ka?? Nakipag date ka siguro no??. Biglang singit ni Risse at dahil doon nanlaki bigla ang tenga ni Mantha sa narinig.

SHURI---. Naputol ang sasabihin ni Mantha ng magsalita agad si Shu.

Hindi ako nakipag date kaya wag kang magselos Wifey!! Naglaro lang ako dahil sinubukan ko yung mga bagong Map nung last maintenance!! Ang dami kaya non!!. Mahabang sabi ni Shu.

Anu anu yung mga bago Shu??. Tanong ni Alex.

Basta malalaman nyo din pag dating nila Clark, pina search ko yun. Sagot ni Shu na nakahilata pa din.

Ang tamad talaga ng Asawa mo Mantha! Porket may sarili na kayong bahay dito hmp. Giit ni Risse habang patuloy padin sa pag aayos.

Magkano nga ulit ito?? Nakalimutan ko eh. Tanong ni Alex.

Kalahating Milyong GP hindi pa kasama yung mga gamit. Halos manlaki ang mata ni Alex sa sinabi ni Mantha.

Kalahating Milyon?!?! As in?!?! 500,000 GP??!!. Hindi makapaniwalang reaksyon ni Alex.

Dahil doon natawa na lang sina Risse at Mantha sa kaniya kasabay nun ang pagbukas ng pinto ng bahay. Iniluwa naman ng pintuan na iyon sila Clark.

Nandito na kami!!. Masayang bungad ni Clark.

May pagkain na ba?? Gutom nako!. Giit ni Rence.

Puro pagkain ka talaga kahit kelan Rence, oo nga pala nasaan si Shu?? Nasearch nanamin yung mga bago dito sa CFO. Nery

Cross Fire Online [ Completed ] [ Under Revision ]Where stories live. Discover now