Chapter 87 : Last Bullet

1K 44 22
                                    

Mantha's POV

S-shu.....

Yan lang ang tanging nasabi ko nang makita ko siya sa na nakatayo sa harapan ko. Nakangiti lang ito habang nakatingin saakin habang ako ay patuloy padin sa pag agos ang mga luha ko habang nakatakip padin ang kamay ko sa aking bibig.

Halo halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon at hindi ko malaman kung masaya ba ako o malungkot. Basta ang hirap ipaliwanag ng nararamdaman ko ngayon pero hindi ko na dapat isipin yun.

Kasalukuyan padin siyang nakatayo habang may hawak na tatlong rosas at sa likod nito ay may malaking banner na nakalagay ay "Will You Be My Girlfriend?" . Ang daming gumugulo sa isipan ko kasabay pa ng mga sigawan at tilian ng mga ibang estudyante.

Parang gusto kong tumakbo para yakapin siya at humingi ng napakaraming sorry pero hindi ko maigalaw ang mga paa ko. Parang nanigas nako sa kinatatayuan ko ngayon habang nakatingin lang sa kaniya. Tumingin naman ako sa paligid at nakita ko sila Risse, Angela at grupo nila Alex na nakangiti na nakatingin saakin. Nakita ko pang sumenyas si Risse saakin na lumapit na ako pero di ko talaga magawa kaya ibinalik ko lang ang tingin ko sa harapan ko.

S-Shu....

Yan lang ang tanging lumalabas sa bibig ko dahil hindi ko talaga inexpect ang ganitong pangyayari.

Mantha tatayo ka lang ba dyan??. Mas lalo akong napaiyak ng marinig ko ang boses niya dahil sobrang namiss ko iyon.

Hindi ako nakasagot sa tanong niya dahil nahihirapan talaga akong gumalaw. Napakibit balikat na lang siya at natawa nang hindi ako nakasagot sa kaniya.

Hindi mo ba ako namiss??. Tanong niya saaken.

Namiss kita.... Sobrang namiss kita kung alam mo lang.....

Sumagot ka naman dyan Mantha. Saad niya pero ayaw bumuka ng bibig ko. Hayst bahala ka na nga dyan, mas mabuti pang umalis na lang ako. Malungkot niyang sabi at yumuko.

Nagulat ako ng tumalikod ito at humakbang ng isa.

Shu... Wag naman please....

Humakbang ulit siya at mas lalo akong nanlumo doon.

Shu wag please. Bulong ko pero alam kong hindi niya iyon narinig.

Nabigla ako ng tuluyan itong naglakad at dahil doon natakot ako kaya napasigaw ako ng malakas.

SHUUU!!! PLEASE WAG KA NG UMALIS!!.

Napatigil naman siya sa paglalakad at humarap saakin. At doon mas lalong nagtilian at sigawan ang mga estudyante.

Paano kung gusto kong umalis?? Anung gagawin mo?!. Malakas na sabi ni Shu.

Pipigilan kita!. Sagot ko , natawa naman siya doon.

Paano mo ko mapipigilan ?? hindi mo nga kayang makaalis sa pwesto mo eh. Shu

Cross Fire Online [ Completed ] [ Under Revision ]Where stories live. Discover now