Chapter 84 : Promise.......I Will

764 37 14
                                    

Shu's POV

Naglalakad pa din kami ngayon ni Alex patungo sa Front Gate ng building dahil tingin ko naroon sila.

Nakaalalay paren si Alex saaken dahil sa tama ng bala sa kaliwang braso ko. Nararamdaman ko na din na medyo okay nako kaya inalis ko na kay Alex ang pagkakaakbay sa kaniya.

Kaya ko na maglakad pre , salamat sa tulong. Sabi ko dito.

Sigurado ka ba??. Tanong niya saaken. Tumango ako bilang sagot.

Oo pre kaya ko na nga promise.

Ikaw bahala pero pag bumagsak ka dyan sa lupa hindi kita tutulungan , sinabi mong kaya mo eh with promise pa yun ah. Alex. Bwiset talaga ito kala mo di kaibigan eh.

Oo na kaya bilisan na naten baka inaantay na nila tayo. Tugon ko kaya binilisan na namin ang paglalakad.

----------------------

Nakarating na kami ni Alex sa Front Gate ng building pero mali ang tingin kong nandoon sila dahil walang tao na nandun.

Wala na sila Shu....inakala na siguro ng mga yun na deads kana. Siraulo talaga ito si Alex gusto niya ata talaga akong mamatay. Pero hindi naman siguro dahil niligtas niya ko kanina haha.

Hayaan mo na basta umuwi na tayo, masyado akong napagod eh. Sabi ko at nag unat ng braso.

Hindi na sumagot si Alex kaya naglabas na kami palabas ng Front Gate. Pero palabas pa lang kami ng makarinig kami ng Sigaw.

ZEKKEN!!!

HAWK!!!

SHURIKEN!!!

KUNAI!!!

Bale sa likod namin narinig ang mga sigaw na yun kaya nilingon namin ito ni Alex. At doon nakita namen silang lahat na magkakasama at ang pinakamahalagang tao sa buhay ni Mantha.

Nang makalapit naman sila ay nagulat ako ng bigwasan ni Devil si Asura. Tingin ko ang sakit nun. Malakas pa naman mambatok si Devil noon.

Aray!! Anu nanaman bang ginawa ko??. Reklamong tanong ni Asura kay Devil.

Anung Kunai ang pinagsasabi mo?? Kelan pa naging Ninja Weapons si Hawk haa??!!. Kanina pa yang Corny Joke mo ahh. Bulyaw ni Devil sa kaniya. Siya pala yung nagsabi nun.

Alam naman naming may pinagdadaanan ka pero wag ngayon tol. Singit naman ni Eiuol sabay tapik sa balikat ni Asura.

-______- natawa ako dahil biglang naging ganyan ang ekspresyon ni Asura na ikinatawa naming lahat.

Mga wala kayong suporta!! Tsss. Inis niyang sabi.

Cross Fire Online [ Completed ] [ Under Revision ]Where stories live. Discover now