Chapter 76 : Meet Up

657 36 6
                                    

Congratulations dahil sa walang pagsagot ng tama hahaha ang galing ahh. Joke

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Shu's POV

Hindi maganda ito..

Halos lahat sila may mga dalang pamalo bakal, kahoy tapos yung iba kutsilyo o balisong. Hindi ko kakayanin ito dahil sobrang dami nila. At ngayon palakad na sila patungo sakin.

Ehh... Teka lang pwede pag usapan muna natin ito??. Sabi ko

Pero wala manlang akong natanggap na sagot sa kanila. Sadyang seryosong tingin lang ang kanilang itinugon sa tanong ko habang naglalakad sila.

Teka baka gumana yun..

Nakaisip nman ako ng paraan at tingin ko gagana nman yun. Huminga muna ako ng malalim at dahan dahan kong hinanda ang mga paa ko.

Te-teka.. Hoy! Buhay ka pa???!!!! Akala ko patay kana?!. Acting ko sabay turo sa bangkay ng kapatid nung isa.

Lahat nman sila ay biglang nagbago ang ekspresyon at tumingin sa kanilang likuran. Kaya sinamantala ko na ang pagkakataon na yun.

Sige paalam!!. Pagkasabi ko nun ay lumabas agad ako ng pinto at sinara yun. Ginamit ko nman yung Arnis na hawak ko at ikinalso sa pinto para di nila mabuksan.

HULIHIN SIYA!!!!. Rinig kong sabi nung naka Bat.

Pagkalabas ko ay kamalas-malasan nga nman. Sarado yung Gate na malaki pero mukhang kakayanin ko nman talunin at akyatin ng mabilis.

*Blag* *Blag*

Bigla nmang kumalabog yung pinto at tingin ko tinutulak nila yun para bumukas.

Umatras ako ng konti at yumuko ng bahagya para makabwelo sa gagawin ko. Sunod nun ay tumakbo ako ng mabilis patungo sa Gate at nung malapit nako ay agad kong ipinatong sa bakal yung kanang paa ko at tumalon, kumapit nman ako sa tuktok na part ng Gate at umakyat. Pagkatapos nun ay tumalon ako pababa at pagbagsak ko ay gumulong ako.

*Bllaaaaaggggg*

Pagtingin ko sa likod ko ay nasira na yung pinto at nakalabas na sila. Nakita ko nman yung isa at may pinindut sa may pader at doon unti unting bumubukas yung pinto. Pinahirapan pako bwiset may switch nman pala dun.

Napatingin nman ako daan di ko alam kung saan ako pupunta. Hanggang sa may narinig akong ugong ng motorsiklo.

*Brrrruuuuuummmmmm*

May rumampa bigla sa bandang likod ko pero ang alam ko pader lang yun. Pero may bigla nmang lumitaw sa itaas at nakita ko sa ere ang isang lalaki na nakasakay sa motor, naka leather jacket ito at may dalang lalagyan ng gitara sa likod di ko makita yung mukha dahil naka Cap ito at Mask sa bibig. Pagbagsak niya ay nag drift ito at humarap sakin, hinubad nman niya yung mask niya at nagulat ako kung sino ito.

Saka na ko magpapaliwanag, tara na sakay!!!. Mabilis niyang sabi kaya isinantabi ko muna yung pagkagulat ko.

Agad akong tumungo sa kaniya at sumakay sa likod nito. Kasunod nun ay pinaharurot na niya yung motor kaya napakapit ako ng maigi.

*Brrrruuuuuummmmm*

Habang umaandar ay di ko napigilan ang magsalita.

Salamat sa tulong. Sabi ko dito.

Cross Fire Online [ Completed ] [ Under Revision ]Where stories live. Discover now