Chapter 65 : Tails54 VS DarkBlitz

824 40 11
                                    

Rence POV

Kanina pako naglalakad lakad dito sa Forest pero wala akong makitang kalaban. Makakakita ako puro patay nman pambihirang buhay to. Naglakad lang ako hanggang sumagi sa isip ko sila Shu.

Okay lang kaya sila??. - Sa aking isip

Kaya nman nila yun. Kibit balikat kong sambit at naglakad muli.

Sa ilang minutong paglalakad ay natatanaw ko na yung garden siguro yun ang Lost Ruins kaya tinungo ko ito. Lalakad na sana ako ng nakaramdam ako ng may bumaril saken kaya bumartikal ako patalikod at sabay labas ng Dual Uzi With Knife ko.

*Baaannggg*

Tumingin ako sa paligid at hinanap yung bumaril saken hanggang sa may lumabas na player sa isang lumang istraktura ng ruins, may hawak itong sniper at kumikinang ito na parang may design na dragon. Tingin ko isa yung Barret Dracarys , binaling ko ulit ang tingin ko sa kanya at ngumiti ng nakakaloko. Ganto ako eh mapang asar haha pero ngiti din ang tinugon nito saken kaya hinanda ko na ang sarili ko.

*Baaanngggg*

Umiwas agad ako pakanan, alam kong babaril na siya nun kaya madaling iwasan. Tumakbo ako pakanan habang pinagbabaril ko siya ng Uzi ko pero nakapagtago ito.

*trat trat trat trat trat trat trat trat*

Pagkatapos nun ay lumabas muli siya at binaril ako.

*Baaaannngggg*

Kaya tumalon ako patungo sa isang pader at gumulong sabay sandal dito. Nag reload muna ako dahil wala nakong bala. Pagkatapos nun ay lumabas ulit ako at hinarap siya. Sa parteng ito masisiyahan ako dahil andaming bato at pader na sira sira. Sumugod ako papunta sa kanya at nakita niya nman na papalapit nako kaya binaril ulit ako nito.

*Baaannnggg* *Ccrrrrkkk*

Sa bato lang tumama yung bala niya dahil pumatong ako sa isang bato at tumalon. Pagkatapos nun ay pinagbabaril ko na din ito at sumabay nman siya.

* Trat trat trt trat trat * Baaannggg*

Tumakbo ako patungo sa mataas na bato at sideleary ( di ko alam spell eh haha ) pakanan at habang nasa ere at nakabaliktad ay pinagbabaril ko ito.

* trat trat trat trat trat trat trat* *tsung*

Bago pa man siya nakapagtago nakita kong tinamaan siya. Pero malas dahil huling magazine na lang ang natitira saken. Kaya nag reload muna ako.

End of POV

DarkBlitz POV

Grabeng player yun ah ang liksi nman masyado. Sambit ko

Kakaiba to sa mga player na nakaharap ko parang naglalaro lang siya habang nakikipaglaban. At masaklap dahil di ko siya matamaan at halatang AGI type siya. Bawas na pala ang HP ko bale 78HP na lang ang natitira. Nag reload muna ako pagkatapos ay hinarap muli ang kalaban ko. Advance Shot nman ang gagawin ko tignan naten kung maiiwasan niya pa yun.

Nakita ko siya na malapit saaken kaya binaril ko ito.

*Baaaannngggg*

Pero tumalon nanaman ito at bumartikal sabay baril saken kaya nag tago ako sa pader.

Di ko siya matutukan kainis !!. Inis kong sambit sa sarili

Umalis ako sa pwesto ko dahil alam kong papalapit na siya dun. Pumunta ako sa isang puno at nagtago sa mga halaman. Tinutukan ko nman yung lugar kung saan ako nakapwesto kanina alam kong dyan siya pupunta pero hindi niya alam na wala nako dun.

Cross Fire Online [ Completed ] [ Under Revision ]Where stories live. Discover now