Chapter 82 : Failed ? or Success ?

656 36 1
                                    

Brix POV

Nandito ako sa loob ng building ngayon at kasalukuyang hinahanap ang kwarto o lugar kung saan nila itinago ang Ama ni Mantha.

Marami nakong putukan na naririnig pero hindi ko dapat pansinin iyon dahil may dapat akong unahin.

Nasaan ba kasi iyon?? Kainis.

Bigla naman akong nakarinig ng mga yapak na papalapit saaken. Buti na lang may pintuan sa kanan ko ,  binuksan ko iyon at pumasok sa loob nito para makapagtago. Hindi ko sinagad ang pag sara at nag iwan ng kaunting uwang para makita ang labas. Hawak ko ang doorknob para hindi ito bumukas at kung sakali mang magtangka sila na pumasok dito ay maisasara ko ito agad.

Dito tayo mga kasama , at ikaw Rick puntahan mo yung bihag at patayin mo !! Yun ang utos ni Boss. Rinig kong boses ng isang lalaki.

Oo gagawin ko agad ng makasunod ako sainyo. Sagot ng isa pang lalaki at tingin ko ito yung Rick.

Nakarinig naman ako ng patakbong yapak papalapit saaken. At sunod nun ay nakita kong lumampas ang mga tauhan ng Killer sa pinto na kinaroroonan ko. Tingin ko ay nasa 6 sila.

Nang makalampas sila ay dahan dahan kong binuksan ang pinto at sumilip sa kabilang daanan. Saktong nakita ko ang isang lalaki na paliko pa lang kaya't agad akong umalis sa aking pwesto para masundan ang lalaking iyon.

Tumakbo ako ng mabilis kasabay nun ang magaan na paglapat ng aking mga paa sa lupa. Para hindi ako marinig ng lalaking sinusundan ko ngayon. Nang makarating ako sa likuan ay sumilip ako at may nakita akong pinto , nasa tapat ng pinto na yun ang lalaking inutusan na patayin ang bihag nila.

Pagkabukas ng pinto ay nakita kong naka akmang nakatutok ang baril ng lalaki sa isang tao na nasa loob nun kaya agad kong binunot ang baril ko sa likod at tinutukan ng mabilis ang lalaki. Medyo malayo ang kinaroroonan nito pero hindi ko na dapat isipin yun ang kailangan magawa ko ito.

Pagkatutok ay sumakto agad ito sa ulo kaya kinalabit ko yung gatilyo ng walang alinlangan.

*Baaaannnggggg*

Tumama ????.....

Nakita kong nakatayo parin ang lalaki sa tapat ng pinto. Mukhang sumablay ata ako at hindi ito tinamaan. Napaluhod at napayuko na lang ako sabay sapak sa lupa.

Patawad guys!.....

Patawad Hawk......

Binigo ko kayo.....

End of POV

Third Person POV

Down. 5 left. Tanging sambit ni Zekken habang nakasandal sa pader at nakatago.

Kasalukuyan pa rin itong nasa 2nd Floor ng Building. Ginawang advantage iyon ni Zekken para mabawasan ang mga kalaban niya na ngayo'y lima na ang natitira.

*Baaannnnggggg*

Isang alingawngaw ng baril ang nagpagulat sa ekspresyon ni Zekken. Agad niya namang sinilip ang mga kalaban na nasa ibaba at imbis na lima ay apat na lang ang natitira.

Salamat Eiuol. Mahinang sambit ni Zekken at saka lumabas sa kaniyang pinagtataguan.

Bumaril ito sa kinaroroonan ng kaniyang mga kalaban habang tumatakbo. At may isa namang kalaban ang tinamaan ng kaniyang bala. Biglang napatayo ito dahil sa pagkatama ng bala ni Zekken sa kaniyang braso pero isang pagkamamali ang ginawa ng lalaking iyon.

Cross Fire Online [ Completed ] [ Under Revision ]Where stories live. Discover now