Chapter 75 : The Deal

767 29 12
                                    

Bago yun nag papasalamat ako sa mga walang sawang sumusuporta sa CFO :D

At syempree special mention tayo haha, congratulations kay Grim2007
Dahil sa pagsagot niya ng tama ang galing mo haha at sa mga nakatama din congrats pasensya na siya yung naunang nakatama bawi na lang ulit next time :) , Nice Zian ahaha

[~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~]

Shu's POV

*Kkkrrrrriiiiinnnggggggg*

Bigla namang tumunog ang bell, ibig sabihin ay uwian na. Agad kong inayos ang mga gamit ko na nakalapag sa desk. Sumunod nun isinukbit ko na ang bag ko sa balikat ko at lumakad na paalis.

Kailangan kong magmadali dahil ngayon kami magkikita ng Killer sa lugar niya. At syempre parang katulad sa mga pelikula kailangan mag isa lang ako atsaka kahit hindi niya sabihin iyon talagang mag isa lang akong pupunta dahil baka may mangyari pang masama kung nagkataon.

Nakalabas nman ako ng building namin at doon ko nman nakita ang Team ko maliban kay Alex na di nila kasama. Agad nman nila akong nakita kaya nilapitan nman nila ako.

Master! Sabay-sabay na tayo umuwi minsan na lang tayu magsama sama eh. Masayang bungad ni Clark sakin.

Mag foodtrip na din tayu nakakamiss din kase eh ,ano game kayo??. Singit nman ni Rence.

Okay ako dun, pero bago yun anu game kaba shu?. Tanong ni Nery.

Pasensya na Team pero hindi ako makakasama sainyo sa susunod na lang. Pagtanggi kong sagot kanila.

Ehh sayang nman, sige pre basta sa susunod ah. Ani ni Nery sabay ngiti.

Makakaasa ka sige mauna nako sainyo Team. Pagpapaalam ko at nagsimula nakong maglakad paalis.

Nakalabas nman ako ng Gate ng school at naglalakad ako tungo sa sakayan ng Bus. Tama kayo ng nababasa Bus ang sasakyan ko dahil medyo malayo layo yung lugar na yun. Tsaka ko na sasabihin ang pangalan ng lugar dahil ang importante magkaharap na kami ng Killer na yun.

-------------------------------------------------------

" Bus Terminal "

Nakarating nman ako ng Bus Terminal at tinignan ko ang relo ko sa aking kanang kamay. Malapit na mag alas tres at ng hapon. Buti nakakain na din ako kanina sa dinaan kong karindirya.

Kasalukuyan akong nag aantay ng Bus ngayon at dumaan ang ilang minuto ay dumating na din. Agad nman akong sumakay at nagtungo sa likurang upuan. Mag isa lang akong naririto sa likod pero okay na yun walang maingay at istorbo.

Hindi ko alam kung anung mangyayari kung sakaling magkita kami ng Killer. Wala manlang akong dalang panlaban o armas manlang. Sadyang bag ko lang ang dala ko pero tingin ko di niya nman ako agad papatayin dahil siya narin mismo nagsabi na papahirapan niya muna ako. Kung anu man yun nakahanda ako sa lahat ng pagpapahirap na gagawin niya saken. Sa paglipas ng ilang minuto sa biyahe ay huminto nman yung Bus.

Sino sainyo ang bababa??. Tanong nung lalaking may hawak na ticket. Nakalimutan ko tawag sa ganung trabaho.

Cross Fire Online [ Completed ] [ Under Revision ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon