Chapter 3 : FN-FNC

3.1K 144 33
                                    

[ Shu's POV ]

Tanghali na ng magising ako dahil sa pagod kaya bumangon nako at dating gawi parin. Pagkatapos ay lumabas nako ng bahay. Agad akong pumunta sa tambayan namin pero wala akong nadatnan ni isa doon.

Nasaan kaya sila?. Tanong ko sa sarili ko.

Nag-isip ako kung saan sila pumunta at tinary ko sa basketball court. Pagkapunta ko doon ay wala pa din sila.

Hayst mukang mag-isa nanaman ako, makapunta na nga lang sa shop at maglaro.

~ End of POV

[ Alex's POV ]

Ako nga pala si Alexander Malinog o Alex, labing-limang taong gulang at kasalukuyang third year ngayong taon. Ang In Game Name ko naman ay [ Hot-Hot-Hot ] o hindi kaya naman [ Xael ]. Pero ang alam lang ng mga kaibigan ko ay yung una lang dahil iyon ang parati kong ginagamit. 2nd lieutenant naman ang rank ko.

[-----------------------------------------------------------]
Name : Alex Malinog
Age : 15
IGN : Hot-Hot-Hot
Rank : 2nd lieutenant
Primary weapon : All Sniper, G3A3
[-----------------------------------------------------------]

Nandito ako ngayon sa bahay at nagbabantay ng tindahan namin. Napagalitan kasi ako ng magulang ko eh kaya ito grounded ako.

Dahil wala naman akong magawa ay nagbukas na lang ako ng TV namin.

'Sa mga darating na buwan pinagpa planuhan na po ng CF Company ang pakikipag negosasyon sa isa sa mga VR Developers na si Dr. CODY upang gawing VR Game ang larong CF o CrossFire'.

Oo nga pala sa panahon ngayon, marami ng nausong virtual game at karamihan dito ay puro RPG. Ngunit kalimitan ay sa ibang bansa lang iyon available. Iilan lang kasi ang mga laro na kayang magkaroon ng Philippine Server. At isa pa mahal din ang mga gamit sa paglalaro ng Virtual Game kaya doon pa rin kami sa nakakasanayan namin nila Shu.

*ting*

Bigla namang nag notif ang cellphone ko kaya agad ko itong binuksan. Isang link ang bumungad sakin sa message kaya agad ko itong pinindot. Isang old ranking system ng CF ang nakita ko dito.

Mahirap ipaliwanag kung bakit ako naghahanap o nagbabasa ng ganitong information. May isang bagay lang kasi akong gusto imbestigahan. Habang binabasa yung nakalagay doon, isang nakasulat ang umagaw ng atensyon ko.

Underground System?. Basa ko sa nakasulat.

Ano kaya iyon?.......

~ End of POV

[ Shu's POV ]

• Razen Gaming Shop •

Nandito ako ngayon sa tapat ng computer shop para maglaro. Dahil wala naman sila dito na lang ako magbubuhos ng oras.

Pagkapasok ko ay nagulat ako nung walang bakante kaya nanuod muna ako sa mga naglalaro habang nag-aantay.

May bigla namang pumasok sa shop na tatlong lalaki at medyo nabigla ako nang makita ko ang 3 kings.

Pre kilala niyo ba yan?. Tanong ng isang player sa kasama nito.

Mga dayo pre. Sagot ng isa.

Sa ilang araw na nakalipas ay nalaman ko amg pangalan ng tatlong ito. Ang third king na mukhang pamilyar sakin ay si Mark Adrian Santos, ang pangalawa naman o second king ay si Daniel Bryan Vasquez at ang huli yung nagpakilala kay Mantha na si Jhon Carl Reyes o first king. 

Cross Fire Online [ Completed ] [ Under Revision ]Where stories live. Discover now