Chapter 13 : Shu is in Trouble

1.8K 95 3
                                    

[ Shu's POV ]

Nang magising ako ay nandito nako ngayon sa lumang garden habang nakatali sa likuran ang kamay ko. Ang tanging naaalala ko lang bago ako napunta dito ay.. 

{ Flashback }

Pumunta ako sa math teacher ko sa faculty dahil may mga pinapa check siya sakin pagkatapos nun ay umalis nako.

Habang naglalakad ay may humarang saking apat na lalaki. Mga fourth year students din gaya ko dahil kapareho ko ng uniform. Pero base sa kilos at itsura nila, mukhang hindi sila estudyante dahil sa medyo may kalakihan sila sakin at sobrang matured nila.

Sumama ka samin. Sabi nung parang leader ata nila. Siya yung nasa gitna eh.

Sino ba kayo?. Sabi ko at aalis na dapat pero hinawakan ako ng dalawang kasama niya sabay sinikmuraan ako.

AACCKKKK!!!!........Sh*t.....

Wala kang pakialam kung sino kami basta sumama ka na lang.

Yun lang tanging narinig ko at nag black out na yung paningin ko.

{ End of flashback }

Kaya yun nandito ako sa lumang garden. Alam ko na kung bakit sa luhar na ito. Dahil wala kasing pumupunta dito kaya kahit magsisi sigaw ako walang makakarinig sakin. Lalo na't sa storage room pa nila ako pinasok. Naalala kong nag-aantay pa pala si Mantha sa guard house.

Bwiset magagalit sakin si Mantha nito.........

May narinig ako nag-uusap sa labas kaya pinakinggan ko ito ng maigi.

Boss anong gagawin namin sa kanya?. Yung leader ata yung nagsasalita.

Maya maya tumahimik siya.

Sige kaming bahala. Sagot nung leader.

Ano kaya yung sinabi ng boss nila?......

Mga pre ang gusto ni boss pahirapan natin dito yung batang acer na yan. Yung leader.

Paano yan pre pag napatay natin siya?. Yung isa.

Walang problema yon dahil doon din naman ang bagsak niya. HAHAHAHAHA. Tawang saad ng leader.

Wala namang makakakita sa kanya dito. Tamang tama lang yung instruction ni Boss sa atin. Ani nung isa pa.

Bwiset kailangan kong gumawa ng paraan......

Tumingin tingin ako sa paligid at mga sirang vase, sirang upuan, isang arnis at sumakto naman ay nakakita ako ng bubog galing sa basag na bote. Kumuha ako nun at tinatry ko putulin yung tali paunti unti.

Maya maya ay nakarinig ako ng may papasok sa pinto kaya tinigil ko muna yung ginagawa ko. Yung leader ang tumambad sakin

Ano bang kailangan niyo sakin ha?!. Tanong ko at sinimulan ko ulit putulin yung tali ng palihim.

Wala naman gusto lang naman namin ng pera. Sagot ng leader.

Sinong nag utos sainyo?!.

Cross Fire Online [ Completed ] [ Under Revision ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon