Chapter 74 : Another Problem

858 38 23
                                    

Louie POV

Nandito ako ngayon sa aking kwarto habang naka harap sa aking Computer hinahanap ko ngayun yung IGN ng Killer ng mahuli na siya. Habang busy ako sa paghahanap ay may narinig nman ako sa labas ng pinto ng kwarto ko.

*tok* *tok* *tok*

Kuya! Kakain na daw tayo sabi ni mama!. Sigaw ng kapatid ko

Oo kim, pasabi kay mama na susunod nako!. Sagot ko sabay tutok ulit sa monitor.

Kasalukuyan ko pa ding hinahanap ang History ng CFO, marami na ngang naka Tab eh pero di ko padin makita kung DWO lang ito madali lang para saaken dahil kabisado ko pero dito ang hirap maghanap. Pindut dito, pindut dyan, scroll down tapos scroll up din tapos panibagong Tab ulit hayss nakakapagod pero kailangan kong mahanap yun dahil buhay ang nakataya sa kasong kinakaharap ko ngayun.

Naghanap ako ng naghanap sa mga kasuluksulukan ng site hanggang sa matagpuan ko yung History. Nagtataka siguro kayo kung bakit History ang hinahanap ko simple lang dahil titignan ko yung GBS Tournament baka nakalagay doon ang mga information na kailangan ko atsaka nabanggit yun nung nasa game pako kaya sure akong makikita ko yun doon. Nang makita ko yung History bale ito ang itsura niya.

"EVENT HISTORY"

Today
> New Maps
> New Weapons
> New PvP Mode

Yesterday
> Maintenance ( Force Logout )
> GBS Tournament

Pinindut ko nman yung GBS Tournament at ito ang bumungad saaken.

GBS Tournament •

Winners : Zekken and Eiuol
First Place : Nairda.15
Second Place : PrimeLover
Third Place :
1. Brix...
2. ShadowsExist
3. Hot-Hot-Hot
Fourth Place : 1st.King

Nairda??...

So eto pala ang IGN ng Killer na gustong pumatay kay Zekken. Agad ko nman itong inALT Tab tapos ay iniwan ko muna ang computer ko. Tumayo nako at lumabas na ng aking kwarto nagugutom na din kasi ako eh hehe. Kaya agad akong nagtungo sa kusina namin at doon ko nadatnan si mama at kim na nasa mesa.

Oh Louie halika kana at sumabay ka na saamin hangga't di pa kami nakakapagsimula. Ani ni Mama ng makita niya ako.

Opo ma. Tugon ko at saka tumungo sa Mesa at umupo pagkatapos nun ay nagsimula na kaming kumain.

----------------------------------------------------

Sige po ma akyat nako may kailangan pa kasi akong tapusin. Sabi ko sa aking ina dahil tapos nakong kumain.

O sige anak pagbutihin mo yang ginagawa mo ah siguraduhin mo lang na hindi kalokohan yan. Saad ni Mama sakin

Di po haha sige ma akyat nako. Pagkasabi ko nun ay nagtungo nako sa aking kwarto.

Nang makarating ay pumasok ako at ni lock ang pinto. Kailangan walang makaalam ng ginagawa ko dahil alam kong pipigilan nila ako dahil delikado pero buhay ng kaibigan ko yung nawala eh kaya kailangan kong mabigyan ng hustisya yun.

Cross Fire Online [ Completed ] [ Under Revision ]Where stories live. Discover now