Chapter 73 : Is this the END??

730 37 4
                                    

Shu's POV

Pagkatapos ng pagsabog na nangyari ay nag itim ang paligid ko at napunta ako sa isang kwarto ngunit wala akong makita dahil ang dilim ng paligid at parang may spotlight lang na nakatutok saaken ( Parang mag dadrama ata ako dito ) . Pero lumipas ang ilang minuto ay nag liwanag ang buong katawan ko at nateleport ako bigla kaya napapikit na lang ako.

*Clap* *Clap* *Clap* *Clap*

*Bogsh* *Duugg* *Plaakk* *Boom*

*Crowd Voice*

Habang nakapikit ay marami nman akong narinig na ingay sa paligid kaya dahan dahan kong minulat ang dalawang mata ko. At doon nakita ko ang maraming player sa baba na nag papalakpakan, sinisigaw ang IGN ko, mga fireworks at makukulay na ilaw. Napagtanto ko na nasa stage pala ako kaya iginawi ko ang paningin sa paligid at sa kanang side ko nakita si Eiuol na nakangiti at kumakaway sa mga player. Lumingon nman ito saaken at ngumiti kaya ngumiti din ako sa kanya.

Naglakad ako patungo sa kaniya at ganun din siya , doon mas lumakas lalo ang sigawan ng mga players na nandito sa G.O . Oo nasa General Office pala kami ngayun ko lang nagets hehe, nakalimutan kong may stage din pala dito. At nang makalapit ay inilahad nito ang kaniyang kamay harapan ko pero bago yun tinignan ko muna ito at nagsalita siya.

Sana magkita pa tayong muli Zekken, kahit sa sandaling lang na magkasama tayo para saaken madami akong natutunan ng nakilala kita kaya masaya akong naging success ang misyon natin at mahuhuli na din natin ang Killer kaya maraming salamat Zekken. Mahabang saad ni Eiuol inabot ko nman yung kamay niya at nag salita din.

Di nman ako magtatagumpay kung hindi dahil sa tulong mo eh kaya salamat din sayo Eiuol. Tugon ko dito sabay ngiti pero may bigla nman akong naalala kaya agad ko itong sinabi.

Oo nga pala bago yun pano natin malalaman at mahuhuli ang Killer??. Agad kong tanong

Wala tayo sa tamang lugar Zekken kaya mas mabuti pang magkita na lang tayu sa Real World okay ba sayu yun??. Eiuol, Real world??? Di nman siguro masama.

Sige ip PM ko na lang ang address ko sayo bukas kaya mag online ka na lang at .... Lumapit ako sa kaniya ng konti at pabulong kong sinabi ang kasunod..  Kung sakaling magkita tayu ako nga pala Shuriken Velasquez yun ang totoong name ko. Saad ko dito

Ako nman si Louie Ackerman ikinagagala kitang makilala Shuriken. Ngiting sambit ni Louie

At pagkatapos nun ay may bigla nmang nateleport sa gilid namen. At nung nawala yung liwanag ay bumungad saamen sina GM Zane, GM Laila, GM Zed at GM Kaycee. Agad naman silang lumapit samin ni Eiuol at dinala kami sa gitna ng stage at sa gitnang bilog.

Cross Fire Online [ Completed ] [ Under Revision ]Where stories live. Discover now