Chapter 85 : The Truth

866 41 18
                                    

Mantha's POV

Nakaupo lang ako ngayon dito sa loob ng classroom habang inaantay ang iba ko pang kaklase. Bale 5:35 am pa lang at medyo madilim pa ang langit pero sinadya ko talaga yun dahil gusto ko siyang makita.

Hayss bat ko ba kasi sinabi yung mga bagay na yun......

Sinubsob ko na lang ang mukha ko sa dalawang braso ko na magkadikit at napabuntong hininga na lang. Parang naiinis ako sa sarili ko dahil ginanun ko pa siya sa kabila ng kalagayan niya. Inaamin ko galit ako sa kaniya pero hindi ko parin kasi mapigilan ang hindi mag alala ng malaman ko na may tama siya ng bala. Sa mga nangyaring yun kagabi masyado lang akong nadala sa nararamdaman ko at nabigla sa mga sinabi ko, pero tingin ko malabo ko ng mabawi yun dahil alam kong nasaktan ko na din siya simula ng sabihin niya ang mga katagang iyon.

Promise.............I Will

Napailing na lang ako ng maalala ang mga salitang iyon. Parang nagsisisi ako ng hindi ko pinakinggan ang gusto niyang ipaliwanag saakin. Gusto kong alamin kung anu yun kaya inagahan ko na talaga ang pagpasok ko, hindi ko alam pero parang may nagtutulak kasi saakin na alamin ang bagay na iyon.

Lumipas ang ilang minuto marami na din ang nagsisidatingan na ang mga kaklase ko. Pero yung taong inaantay ko ay hanggang ngayon ay wala parin. Napabuntong hininga na lang ako at inantay na lang ang pagsisimula ng klase.

Habang tahimik lang akong nakaupo ay may biglang tumapik sa balikat ko na ikinagulat ko. Agad akong lumingon at nagbabakasaling siya iyon pero hindi. Kaya napabalik ulit ako sa posisyon ko kanina.

Ohh anu problema Mantha ??. Takang tanong ni Risse saakin. Hindi ako sumagot at itinuon ko na lang sa iba ang atensyon ko.

Naupo naman ito sa tabi ko at ramdam ko ang pagtingin niya saaken.

Bat nagkakaganyan ka ?? Porket ba wala si Shu ngayon??. Tanong niya. At base sa boses niya alam kong inaasar niya ako.

Kung alam mo lang ang totoo Risse...

Hindi ko na lang siya pinansin at bigla namang nag ring ang bell na sinasabing magsisimula na ang klase. Hindi na rin ako kinulit ni Risse dahil pumasok na si Maam Rose sa room.

Nagsimula na itong magklase kaya nakinig na lang ako. Kaso kahit ibuhos ko ang buong atensyon ko sa tinuturo ni Maam wala pa ding pumapasok sa utak ko dahil naiisip ko pa din yung sinabi ni Shu. Lalo na yung gusto niyang ipaliwanag saakin na hindi ko manlang binigyan ng pagkakataong marinig. Masyado akong nagpadala sa galit at sakit na naramdaman ko kaya hindi ko napigilan ang sarili ko.

Matapos ang klase ni maam ay nag next teacher na din. At ganun pa din ang nangyari hanggang sa umabot ng uwian. Halos wala akong matandaan sa mga tinuro ng mga teacher ko pero buti na lang at hindi nila iyon napapansin.

*Krrrrriiiinnnnngggggg*

Nag Ring naman ang bell na ibig sabihin ay uwian na namin kaya inayos ko na ang gamit ko at tumayo. Sa buong oras ko ngayon hindi ko siya nakita sa kahit saang parte dito sa school. Maski aninag lang niya wala talaga o kahit paramdam manlang.

Isinukbit ko na ang Bag ko at lumabas na ng classroom. Pagkalabas ko ay may bigla namang nagsalita sa gilid ko.

Anu bang problema mo Mantha?? Kayo ni Shu, Bat wala siya kanina?? Nag away ba kayo??. Sunod sunod na tanong ni Risse na nakatayo lang sa gilid ko.

Cross Fire Online [ Completed ] [ Under Revision ]Where stories live. Discover now