Chapter 67 : Book Of Secrets

794 43 2
                                    

Shu's POV

Nakarating na kami ni Eiuol sa Dark Village , nakakatakot tignan yung mga bahay na sira sira sa paligid. Pinagpatuloy lang namin ang paglalakad hanggang sa naisipan ni Eiuol na magpahinga.

Zekken magpahinga muna tayo anlayo ng nilakad naten eh. Eiuol sinang ayunan ko ito at pumunta kami sa isang bahay na parang mansion na parang abandonado na.

Nakakatakot nman itong bahay na to. Sambit ni Eiuol

Wala nmang multo dyan eh kaya tara na tsaka nasa game tayo. Saad ko sa kanya.

Pagkapasok ay malawak ang paligid, may mga gamit din pero parang lumang luma na at may iba na sira sira at may sapot ng gagamba sa paligid. Nag ikot ikot nman si Eiuol sa mansion at ako tumingin tingin na din sa paligid.

Naglakad lakad lang ako hanggang sa makapunta ako sa isang painting ng isang sundalo na may hawak na M4A1. Sumagi nman sa isip ko yung sinabi ng mga GM tungkol sa mga sikreto. Tinignan ko nman yung paintings.

Kaya kang patayin ng isang sikreto kaya be aware sa paligid nyo - GM

Kung kaya kaming patayin ng mga sikreto pwede din kaming tulungan nito na pumatay ng kapwa player ibig sabihin....

Napatigil ako sa pag iisip ng may tumapik sa balikat ko.

Zekken ang lalim ng iniisip mo ah tungkol saan ba yan ??. Usisang tanong ni Eiuol

Tungkol sa Sikreto na sinabi ng mga GM bago magsimula ang Game. Sagot ko .

Ahhh. Eiuol habang tumatango ito

Diba ang sabi kaya kang patayin ng sikreto ibig sabihin kung kaya nitong pumatay ng player matutulungan tayu nito. Mahabang saad ko

Matutulungan ?? Sa paanong paraan nman ??. Takang tanong ni Eiuol

Eh anu bang rules ng labanang ito? Diba ang magpatayan din. Pagkasabi ko nun ay parang naintindihan na ni Eiuol

Ahh tama ka nga ibig sabihin ang kailangan nating gawin malaman ang mga sikreto ng Map na ito para mas mapadali ang pagpatay naten sa kanila. Mahabang paliwanag ni Eiuol

Nakuha mo, at tingin ko may mga clue nman siguro kung paano natin makikita ang mga sikreto o trap sa map na ito. Tugon ko nman

Cross Fire Online [ Completed ] [ Under Revision ]Where stories live. Discover now