Chapter 81 : Mission : Save Her Father

680 42 3
                                    

Mantha's POV

Hays ang boring talaga. Magdamag lang akong nakahiga dito sa bahay dahil wala namang pasok. Linggo nga pala ngayon at plano ko sana magsimba mamayang 6 pm. Alas tres pa lang kase ng hapon ngayon.

Anu kayang magandang gawin ngayon.....

Nag iisip lang ako habang nakahiga. Hanggang sa napukaw ang tingin ko sa CG ko.

Mukhang ito lang ang makakasolve ng pagkabored ko...

Tumayo ako mula sa pagkakahiga at agad lumapit sa table kung saan nakapatong ang Cursed Gear ko. Kinuha ko ito at sinet up. Pagkatapos ay sinuot ko na ito sa aking ulo at humiga. Kaso naisip ko bigla kung anung gagawin ko dun.

Napailing na lang ako at pumikit.

Bahala na nga. Kasunod nun ay ang pagbigkas ko ng.....

Game on!!!.

End of POV

Shu's POV

Nandito kame sa isang lumang company building dahil dito nalocate nila Brix ang tawag ng Killer.

Nakapwesto na ba lahat??. Sabi ni Eiuol sa Radio na parang earphone lang.

Ibinigay saamin ito ni Eiuol para hindi daw mahirap makipag communicate. Atsaka hindi hassle dalhin dahil nakasukbit lang naman ito sa tenga at may pipindutin ka dito para maka connect sa kanila.

Im in position!. Sagot ni Devil. Nakapwesto ito sa Puno habang nakatutok sa mga bintana ng building

Same here. Sagot din naman ni Asura na nasa parking lot at nakatago ito sa mga kotse.

Naka ready na din ako dito. Brix na nasa likod ng building. Siya kase ang magtatakas sa Ama ni Mantha kaya dun siya pinapwesto.

Okay mag ready na kayo. Eiuol, nakapwesto naman ito sa kabilang building sa likod gamit ang Sniper niya.

Handa kana Zekken??. Tanong ni Eiuol saaken. Pinindut ko yung button sa earphone ko at nagsalita.

Oo nakahanda nako. Seryosong sagot ko.

Kung mapapansin ang mga pwesto nila lahat sila maliban kay Brix ay naka back up saaken. Bale nasa Front Gate kase ako kaharap ang harapan ng building. Sa kaliwa ko kung saan ang parking lot nakapwesto si Asura at Kanan ko naman si Devil. At syempre sa likod ko walang iba kundi si Eiuol.

Sa totoo lang kaya ganto ang plano dahil magpapanggap akong walang kasama. Alam kong laos na ang ganung bagay pero hindi naman talaga namin kailangang maniwala siya. Bagkus kailangan naming patagalin ang Oras para makakilos si Brix kaya kahit mabulilyaso man ito ay okay lang.

Naglakad nako patungong Front Door ng Building habang nakasukbit sa likod ko ang handgun na bigay saaken ni Eiuol.

*Kruuuugggg* - ( SFX po ng kulog )

Napahinto ako ng biglang kumulog kasunod nun ang pag ulan agad ng malakas. Dahil sa lakas ng ulan ay mabilis lang akong nabasa pati narin ang mga dalawang back up ko sa magkabilaang gilid na sina Asura at Devil. Pero kahit ganun ay hindi sila umalis sa kanilang pwesto kaya't tinuloy ko na ang paglalakad ko.

Nang makarating ako sa Glass na pinto ay napansin ko agad ang mga CCTV sa mga pader at iba pang sulok ng building. Hindi ko naman iyon pinansin at pumasok nako sa loob ng walang kakaba kaba. Mapapansin mo sa paligid ang mga Sofa, machine kung saan pwede kang mag withdraw at iba pa. Kung iisipin parang hindi ito napaglumaan parang napabayaan lang kaya medyo pumangit ang paligid. Naglakad lakad lang ako sa buong lugar habang sumisigaw.

Cross Fire Online [ Completed ] [ Under Revision ]Where stories live. Discover now