Chapter 8 : The Past

2.2K 105 0
                                    

[ Shu's POV ]

• Velasquez House •

Nandito ako ngayon sa bahay at iniisip ang pangyayari kanina sa school.

Oo nga pala yung sinabi niyang Hawk o [ H_a_w_k*59] ay dati kong In Game Name noong 2010. Totoo yung sinabi niya na ako ang pinakabatang player na napasama sa rankings noon. Pero hindi ko pwedeng aminin iyon ng basta basta dahil sa ilang mahalagang rason. Hindi lang naman ako ang nakapasok doon. Kasama ko din ang mga dating clanmates ko.

Umpisa pa lang kasi dati ay may ranking system na. Kada taon ay inaanusyo ng mga GM ang mga napapabilang sa CrossFire Top 30 o ang tinatawag nilang 30 Acer. Ang basehan lagi para makapasok ay makarami ng Ladder Points o LP sa Ladder Battle. Isa iyong limited battle mode ng CF noon kung saan kakailanganin mo ng ticket para makapag participate. Parang Rank Match lang ito na pwedeng 1v1, 3v3 o 5v5 Battle.

Mabalik sa usapan. Ang clan na tinutukoy ni JC ay ang nag iisang kalaban ng lahat. Kilala sa pagiging mandaraya. Ang clan na SILENT KILLER kung tawagin. Maraming clan ang naging kaaway nila at isa na doon ang clan ko na tinawag na LEGIONS. Naireport na ang clan nila sa mismong forums at permanenteng nabura ang grupo nila sa buong server. Pero may nag iisang server na nakapag panatili ng clan nila at iyon ay ang tinatawag na Illegal Server.

Ang Underground System o UGS kung tawagin ng mga player. Sinusunod pa din nila ang orihinal na mechanics ng game dito pati na rin ang ranking system ngunit ang kaibahan lang ay para ka na din naglalaro sa totoong buhay kapag pumasok ka sa system na ito. Dahil isa nga itong illegal server, dito nagaganap ang illegal na pustahan, bentahan, palitan ng pera at kung ano-ano pa. First year highschool pa lamang ako nung nakapasok ako dito kasama ang mga clanmates ko. Noong panahong naghihirap kami ay humingi ako ng tulong sa mga clanmates ko at ang sabi ng clanmaster ko ay sumama daw ako sa kaniya. Ang tanging gagawin ko lang daw ay maglaro at magkakapera na ako. Noong una ay hindi ko maintindihan ang kalakaran sa UGS pero dahil kapos nga kami noon, ang tanging bagay na nanatili sa isip ko ay pwede akong kumita ng pera at matutulungan ko na ang pamilya ko.

May isang sikretong lugar ang UGS na pinupuntahan ng mga CF player. Hindi ka basta basta makakapasok kung wala kang UGS Card.

Naiisip ko nanaman ang alalang yon.......

----------------------------------------------------------------------------------

{ Flashback }

Nasa bahay ako nung panahon na iyon. At may biglang tumawag sa cellphone ko kaya sinagot ko agad ito.

Hawk busy kaba?. Tanong nung nasa kabilang linya.

Hindi naman po. Wala nga po akong magawa dito sa bahay eh. Sagot ko.

Kung ganon pumunta ka sa UGS ngayon na. Bigla akong naexcite sa sinabi niya.

May lalabanan po tayo master!?.

Oo. Mag-aantay kami nila Arkanghel sa gate maliwanag?.

Okay!!.

Binaba niya na yung tawag kaya dali dali akong kumilos para magbihis. Agad akong nagdala ng pera pang pamasahe at higit sa lahat yung ID ko.

Umalis nako ng bahay at saka tumawag ng tricycle.

----------------------------------------------------------------------------------

Ilang minuto lang ang biyahe sakay sa ilang jeep at nakarating din ako pakay ko. Naglakad ako ng ilang metro at napunta sa isang abandonadong baryo. Naglakad nako papasok at dumaan sa mga ilang iskinita. At pagkatapos nun ay nasa bungad ko ang isang napakataas at napakahabang pader na kung saan may maliit na pintuan sa gitna. Kulay gray ito at kaya hindi mo mapapansin ng basta basta.

Cross Fire Online [ Completed ] [ Under Revision ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon