Chapter 86 : It Hurts

913 40 11
                                    

Mantha POV

Kasalukuyan akong naglalakad ngayon papuntang school. At medyo madilim pa ang langit dahil 5:35 am pa lang. Dalawang araw na ang lumipas simula ng malaman ko ang katotohanan kay Alex. At sa dalawang araw na iyon ay hinanap ko siya ng hinanap sa buong school pati na rin sa mga nakakakilala sa kaniya. Tinutulungan na din ako ni Risse sa paghahanap sa kaniya pero wala talaga kahit mismong mga kaibigan niya na sina Rence wala ding alam kung nasaan si Shu.

Nalaman ko ang pagkawala niya kay Alex nang nakaraan na pauwi kami ni Risse.

---------------

Flashback.....

Pauwi na kami Risse ngayon at kasalukuyan kaming palabas ng aming building. Nang nakarating kami sa labasan ay may agad na sumalubong sa aming harapan si Alex na hingal na hingal.

Mantha...*hinga* Pumasok ba *hinga* si Shu ngayon??. Tanong ni Alex habang hingal na hingal.

Dug... Dug..... Dug....

Bigla naman akong kinabahan at hindi ko alam kung bakit. Basta parang may hindi magandang sasabihin si Alex.

Hindi Alex bakit??. Sagot ni Risse sa kaniya.

Lagut na. Biglang napatakip ng mata si Alex sa pamamagitan ng magkahawak niyang kamay at parang namomroblema ito.

Anung lagut Lex?? Hindi ka namin maintindihan!. Naguguluhang sabi ni Risse.

Ano bang problema at bat ka nagkakaganyan??......Kinakabahan nako saiyo ehh. Medyo may halong takot kong sabi.

Kasi....si Shu....Ano ehh... . Putol putol na sabi ni Alex. Halatang natataranta na siya ng malaman niyang hindi pumasok si Shu.

Wag mong putulin pwede?!?! Sabihin mo na kase!!. Sigaw ni Risse sa kaniya.

Nawawala si Shu. Hindi daw siya umuwi sa kanila sabi sakin ng Mama niya. Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Alex. Si Risse naman ay biglang natahimik.

A-ANO!!?? Nawawala si Shu/Kenken?!?!. Sabay naming sabi ni Risse.

Oo nga kaya hinahanap ko siya ngayon eh!!. Alex at napasapo na lang ito sa mukha. Wag sanang mangyari yung iniisip ko. Please lang. Dugtong niya.

Bigla kong naalala ang mga sinabi niya saaken sa Game. At doon mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko dahil parang naiisip ko din ang iniisip ni Alex na pwedeng mangyari.

Hanapin natin siya Alex! Please?!. Nag aalala kong sabi kay Alex.

Oo tara na!! Sumama kayo sakin. Tugon niya kaya sumunod na kami ni Risse sa kaniya.

---------------

Sa ilang oras na paghahanap namin ay hindi namin nakita si Shu sa kahit anung lugar. Sa totoo lang si Alex, Risse at Ako lang ang may alam sa nangyayari maliban kila Rence. Napagpasyahan na lang din namin umuwi dahil maghahating gabi na kami inabot at hinatid naman kami ni Alex.

Cross Fire Online [ Completed ] [ Under Revision ]Where stories live. Discover now