Chapter 54 : "Acer" meets "Rank Stealer" ( Dynamic Duo )

1K 54 8
                                    

Louie POV

Nakaupo lang ako sa isang upuan habang nakayuko. Medyo kinakabahan paren ako ngayon dahil sa lalaking naka maskara kanina. Pero medyo okay na rin ako.

Kailangan kong makausap si Zekken para matulungan ko siya pero di ko na lang basta basta pwede sabihin ngayon dahil kasama niya ang mga kaibigan niya at tingin ko pag nalaman yun ng mga kaibigan niya pwede silang madamay. Sabi ko sa aking sarili naguguluhan nako sa nangyayari.

Kung bibigyan lang ako ng pagkakataon na magkausap kame.....

End of POV

Third Person POV

Habang iniisip ay kasalukuyan naman siyang nateleport para sa susunod na laban. Nasa waiting room ngayon si Louie at nag aantay ng countdown. Ang map na paglalabanan nila ay Old Labyrinth kung saan maraming pader ang pasikot sikot pero may ibang parte dito na sira sira na. Nakatayo lang si Louie habang nakayuko maraming tumatakbo sa kanyang isip at isa na doon ang tungkol kay Zekken. May bigla nmang tumutok sa kanya sa malayo nakapatong ito sa ibabaw ng pader maraming prediction lines ang nakatutok sa kanya pero parang wala siyang balak na umiwas. Kaya pinagbabaril siya ng kanyang kalaban ngunit nadaplisan lang ito sa pisngi at braso . Hinawakan nito ng mabuti ang Chey Tac at tinutukan ang kanyang kalaban.

Bwiset ka!!! . Sambit nito at binaril ang kanyang kalaban pero nakaiwas ito.

Medyo naiinis si Louie dahil nasa kalagitnaan siya ng pag iisip at bigla siyang binaril ng kalaban. Kumilos na agad si Louie at lumiko sa kanan may nakita nman siyang sirang pader kaya dumaan siya doon sakto ay may puno malapit doon kaya pumunta siya doon at pumwesto. Nakatago siya sa mga dahon ng puno kaya hindi siya makikita ng kanyang kalaban.

Sumilip lang si Louie sa scope ng kanyang Chey Tac at hinanap ang kalaban. Nakita niya nman agad ang kalaban niya kaya tinutukan niya ito. Inantay niya itong huminto inabangan niya lang ang kalaban niya at nung sumandal ito sa pader ay tinutukan niya na ito ng maigi.

Paalam. Saad ni Louie at kinalabit ang gatilyo

*Tsssuuunngggg*

Hindi ito napansin ng kalaban kaya tinamaan siya nito at namatay. Tumayo si Louie sa puno at kinasa ulit ang kanyang baril.

Magkikita din tayo Zekken. At nateleport na itong muli sa G.O

End of POV

Zian POV

Ako nga pala si Zian Xy Zeus. Isa nga pala akong CFO player at kasali ako sa GBS Tournament. Eto ang profle ko.

IGN : BlackJack
Age : 13
Primary : Dual Kris Vector
Secondary : Colt Python
Melee : Machete

Type : Agility

Nasa bracket C ako pero at pasok nako sa TOP 60 players. Bale waiting na lang ako sa ngayon ay nanunuod ako ng mga laban ng ibang player at isa lang ang umagaw ng pansin saken. Ang player na naka Assassin Costume na yun na may Laser sword. Grabe kakaiba yung player na yun sana makaharap ko siya.

Habang nanunuod ay may lumapit nman bigla saken. Napangiti ako at nag fistbump kame.

Yow tol kamusta laban??. Sabi ng kaibigan ko

Cross Fire Online [ Completed ] [ Under Revision ]Where stories live. Discover now