Chapter 47 : I Need Help

985 50 32
                                    

Third Person POV

Kasalukuyang ngayong mag isa ang clan master ng Legions na si Efgreyr sa Headquarters nila dati. Nakaupo lang ito sa sofa habang ang Red Folder na may nakalagay na DWO nman ay nasa mesa. Pinag iisipan niya paren ang kanyang gagawin dahil baka hindi na ito naglalaro pa. Kaya napabuntong hininga na lang ito, bigla niya nmang nilapag ang baso na may juice sa mesa at kinuha ang kanyang cellphone.

Walang masama kung hindi susubukan. Sambit niya at kinuha ang Red Folder at binuklat ito

Hinanap niya ang number nito at ng makita niya ay dinial niya ito agad. Nilagay niya nman sa kanyang tenga ang cellphone at nag antay ng sasagot.

*truut* *truut* *truuut* *truuut*

( A/N: Sfx po yan ng calling hahahaha plzz intindihin na lang po :D )

Please nman sagutin mo. Sabi ni Efgreyr na parang naiinip

Sa pag aantay ay may sumagot nman.kaya kinausap niya agad ito.

Hello?? Louie??. Sabi ni Efgreyr mga ilang minuto ay sumagot nman ang kausap nito.

Br-Bryan?!?!? Kamusta na??. Sabi ng nasa kabilang linya

Okay lang ako ikaw??. Sabi nman ni Efgreyr

Okay lang nman nga pala anung sadya mo bakit ka tumawag??. Tanong ng nasa kabilang linya na si Louie

Kailangan ko ang tulong mo Louie alam kong ikaw lang ang makakagawa neto dahil sa galing mo sa paglalaro. Seryosong sabi ni Efgreyr

Mukhang seryoso yan ahh anu bang klase tulong ang gagawin ko??. Sabi ni Louie

Gusto kong mag laro ka ng CFO dahil nandoon ang taong kailangan mong tulungan. Sabi ni Efgreyr

CFO?? Anu yun ngayon ko lang narinig yan. Takang tanong ng nasa kabilang linya

Ang CrossFire Online in short CFO isang Gun Game na sikat dito sa lugar namen. Sagot nman ni Efgreyr

Ahhh alam ko na tapos sino nman ang hahanapin ko sa game na yun at anung gagawin ko??. Tanong ulit ni Louie

Kailangan mong sumali sa Tournament na magaganap sa CFO ang tawag doon ay GBS Tournament o Gun Battle Series isa iyong tournament na matira matibay kung sino ang matirang buhay ay panalo wag kang mag alala dahil makakasali ka dun sa ibibigay ko sayong game card sa card na yun pwede kang mag late register at dahil kasali ang account ko dun ikaw ang ipapalit ko bale para makapag register kailangan mong pumunta sa tinatawag na General Office o G.O at pagkatapos mong mag register ay kailangan mong mahanap ang taong nagngangalang Zekken ang binansagang Batang Acer noong 2010 at Acer ngayon mabait nman siya at palakaibigan pero ang wag mong gagawin ay ang yabangan siya dahil sa totoo lang nagbabago ang ugali niya kapag ganon. Mahabang paliwanag ni Efgreyr

Cross Fire Online [ Completed ] [ Under Revision ]Where stories live. Discover now