Chapter 83 : Back Up

683 38 6
                                    

Louie POV

Nandito ako ngayon sa tapat ng gate ng building kung saan pumasok si Zekken. Wala nakong nakikita pang kalaban dahil naubos na din ata nila Devil yun. Nakatayo lang ako dun ng may matanaw akong dalawang lalaki na may baril palabas sa pinto ng building. Napangiti ako ng mapagtanto ko na sina Devil at Asura iyon.

Napatingin naman sila sa direksyon ko at nakita kong ngumiti din yung isa saaken. Kaya naglakad nako papalapit sa kanila at ganun din ang ginawa nila. Habang papalapit ay agad namang nagsalita si Asura.

Wala ng kalaban Eiuol !! Ubos na sila !!. Malakas na sabi ni Asura habang nakangiti.

Napangiti ulit ako sa kaniya pero agad din namang nawala dahil may bigla naman akong nakitang lalaki na nakalabas ng building at may hawak na baril. Nakatutok na ito kila Devil na nakatalikod kaya napasigaw ako.

YUKOOOOO!!!!!. Sigaw ko sabay kasa ng sniper ko.

*Tsikuk*

Dahil sa pagsigaw ko ay nagulat sila Devil pero agad din
nilang ginawa ang sinabi ko kaya tinutukan ko agad ng mabilis ang lalaki. Kasunod nun ang pagkalabit ko ng gatilyo.

*Baaaannnggggggg*

Sa isang putok na yun ay siya namang nagpatumba sa lalaking nagtangka kila Devil. Agad naman silang napatingin sa likod na at nakita nila ang lalaking binaril ko.

Sa totoo lang hindi ko pa nagagawang pumatay ng tao pero kung sa gantong dahilan naman wala na siguro akong magagawa kundi gawin iyon.

Lumapit ako sa kanila at agad kong sinundan ng tanong ng makalait nako sa kanila.

Okay lang kayo ??. Tanong ko sa kanila.

Okay lang kame , Salam- Aray !! Masakit yun ahh!!. Sagot ni Asura, pero bigla kasi siyang binatukan ni Devil.

Sabi mo ubos na sila , bakit meron pa ha ?!. Mamamatay ako ng maaga sayo pag nagpapaniwala ako sa mga sinasabi mo eh !!. Bulyaw ni Devil sa kaniya.

Eh malay ko ba , malay mo gumamit ng Revival Token at nabuhay ulit siya. Kamot ulong sagot ni Asura.

Napasapo na lang kaming dalawa ni Devil sa ulo dahil sa corny ng Joke niya.

Pre naiintidihan ka namin , mahal ka namin. Banat ni Devil sabay akbay kay Asura.

Di mo naman kailangan maging ganyan eh , kaibigan mo kami tol. Singit ko naman sabay tapik sa balikat niya. Dahil doon biglang inalis ni Asura ang pagkaka abay ni Devil sa kaniya.

Mga walang suporta amp!. Piste kayo. Sabi ni Asura na ikinatawa namen ni Devil.

Hayss sa wakas at matatapos na din ito.....

Sa kalagitnaan ng tawanan namin ay may bigla naman kaming nakitang paparating. Napangiti ako ng makita ko kung sino sila.

Teka siya ba yung Ama ni Mantha ??. Tanong ni Devil habang nakatingin sa dalawang paparating.

Cross Fire Online [ Completed ] [ Under Revision ]Where stories live. Discover now