Chapter 1

1.3K 31 1
                                    

Hi everyone! Another book from the Montesalve series. This is Louraine and Yue's story. Hope you'll like it! 

Enjoy!

~~

Chapter 1

Do you?

Louraine

"Hi Louraine!"

"Hello!" Bati ko naman sakanila.

"Uy Louraine! Salamat sa cupcakes ah!"

"Nako, okay lang!."

"Sama ka samin mamayang lunch?"

"Hmm, may kasabay na ko eh. Siguro next time nalang?"

"Salamat sa advice mo ah, nagkabalikan na kami kahapon."

"Okay lang. Ingat ka na sakaniya ah. Hehe."

Nakarating ako sa klase ko at agad naman akong umupo. Nasa ikatlong taon na pala ako ng kolehiyo sa kursong business management. Tatapusin ko ito at balak ko na magtayo ng shop na may kaugnayan sa baking. Coffee shop or Cake shop, kahit ano. Pagkatapos ay mag-aaral ulit ako ng Culinary para mas mahasa ang mga luto at bake ko.

"Naiinis talaga ako sakaniya. Bakit kasi ang bitch niya? Sayang lang ang ganda niya."

"Oo nga eh. Pero aanhin mo naman ang ganda kung pangit naman ang ugali diba?"

"Wala tayong magagawa. Baka nabagok ang ulo nong bata kaya ganiyan ang ugali."

Hindi ko alam pero nainis ako sa mga sinabi nila. Hindi naman nila sa akin iyon sinabi pero nakakainis padin na ganon sila mag-isip sa kapwa nila kaklase.

Nakita ko si Hazel na dumaan ng classroom, tinagurian siyan bi-tch kasi hindi siya mabait sa lahat. Palagi siyang kinaiinggitan ng marami kasi maganda siya at halos perpekto na, kesyo masama daw ang ugali. Hindi naman ako naniniwala kasi hindi naman niya ako inaaway. Ang pansin ko lang kasi ay straight-forward langtalaga siya kaya namimis-interpret lang ng iba. Hindi naman siya bigla biglang nangt-trip lang gaya ng iba.

Humupa na ang tsismisan nila nang makalagpas ito at pumasok na ang prof. Nagsimula na ang lecture at busy ako sa pagsusulat ng notes nang malakas na bumukas ang pinto. Napalingon ang lahat doon pati na din ako.

"Mr. Yue Montesalve, you're late again." The prof. said pero parang wala siyang narinig dahil nagdire-diretso lang siya sa upuan niya. Napabuntong hininga nalang ang prof at nagpatuloy na sa pagtuturo.

Hindi ko namalayang napalingon na pala ako sakaniya. Kay Yuean Montesalve. Magulo ang uniform nito at medyo may dumi. May sugat siya sa bandang labi niya kaya't siguradong kakagaling lamang nito sa away. Napalingon siya sa gawi ko kaya't mabilis akong umiwas ng tingin sakaniya.

Kinuha ko ang bag ko at may hinanap doon. Nakita ko ang isang pack ko ng band aid at tumingin ulit sakaniya. Ibibigay ko nalang ito sakanya mamaya pagkatapos ng klase.

~

"Okay, class dismissed." Ani ng prof at nang makalabas ito ay naghiyawan na ang mga kaklase ko.

"Louraine! Tara kain?" Yaya ng ibang kaklase ko pero balak ko kasing lapitan si Yue para ibigay ito kaya mabilis akong umiling.

"A-ah, may pupuntahan kasi ako eh. Sorry." Sabi ko at mukhang nalungkot naman sila. "Ah, sa ibang araw nalang? Okay lang?" Sabi ko at umaliwalas naman ang mukha nila.

"Sige!" Sabi niya at umalis na.

Naglakad lakad lang ako kasi alam ko namang hindi pa siya nakakalayo. Ang alam ko lang ay kung saan maraming nagbubulungan o kaya ay naghahagikhikan ay nandoon siya.

Taming YueWhere stories live. Discover now