Chapter 25

560 32 7
                                    

Louraine

"Okay okay, ano ang ibigsabihin ng to wait?" Bigla niyang tanong habang nasa classroom kami. Umalis na ang mga studyante at natira ako dahil mas gusto kong tapusin dito ang mga assignments.

"To wait? Edi maghintay." Ani ko habang busy sa pagsusulat.

"Di ah. Yun yung huni ng ibon."

Napa angat ang tingin ko sakaniya at napatulala sakaniya. "To wait?" Pag uulit ko tila hindi ko naintindihan.

To wait..

Towait.

Ugh. Ian.

"Hahahahahahahaha! Your face is so priceless Rain!" Aniya at binato ako ang french fries sa mukha.

"Ewan ko sayo Ian." Ani ko at pilit na hindi ngumiti dahil sa kakornihan niya.

Napatulala ako sa sinusulat ko at pinunit iyon. Pinulot naman iyon bigla ni Ian at sinubukan kong agawin iyon sakaniya.

Inangat niya ito sa ere at binigyan ko siya ng nakakamatay na tingin. "Ian naman eh!" Pagrereklamo ko dahil hindi ko iyon abot. Matangkad ako pero Mas matangkad siya at mahaba pa ang bias niya!

Inilagay niya iyon sa may batok niya at sinubukan ko namang abutin iyon dahil medyo abot ko na siya. Pero laking gulat ko nang maglandas ang isang braso niya sa bewang ko dahilan para mapalapit ako sakaniya ng husto.

"Damn it Raine, you're tempting me so much." He almost whispered looking intently to my eyes. Pakiramdam ko naman ay pulang pula na ako dahil sa sobrang lapit niya.

"I can love you better Rain. I promise, I won't cheat. I'll be loyal. I'll even give up my job and handle my father's business to be able to be with you. I'll behave. Promise. Ako nalang." Ramdam ko ang pagsusumao sa sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit biglang tumulo ang luha ko.

Bumaba ang tingin niya sa labi ko at bumalik sa mata ko. Biglang hindi  ko alam kung anong gagawin ko. Nataranta ang sistema ko.

Nang matauhan ako ay marahan ko siyang itinulak at inagaw ang papel na  pinunit ko kanina. Umiwas ako ng tingin sakaniya at pinunasan ang luha ko tsaka muling bumalik sa inuupuan ko kanina.

Rinig ko ang pagbuntong hininga niya at muling bumalik sa inuupuan niya kanina, which is sa harapan ko at pinagpatuloy ang pagkain ng frech fries.

Binuklat kong muli ang papel at napatawa ng mahina dahil sa naisulat ko kanina.

Yuean. Yuean. Kausapin mo naman ako Yuean. Miss na kita.

~~

"It's been...two weeks right? I want to beat him to death but I'm a professor Louraine. I can't...do that to my student." Ian said after he took a sip in his coffee.

"Hindi ko na alam Ian. Gustong gusto ko siyang kausapin but he won't let me. Ayokong maniwala sa narinig ko pero galing na iyon mismo sakaniya. I...I don't know what to believe anymore." Nanghihina kong sabi.

Nagpaalam ako kay Hazel kanina na lalabas lang ako saglit pero hindi padin niya ako pinapansin. I guess she's really upset about me and Yue and looks like she's also bothered with something. Ayoko namang pilitin siya. I'll wait for her to share her problem to me herself.

"Nakapag desisiyon ka na ba Louraine?" He suddenly asked then reached out for my hands. Nalilito ko siyang tinignan. "I...I have enough money for the both of us to go to another country. M-may kamag anak ako sa Paris...we can...I me-" His words were cut when I squeezed his hands.

Taming YueWhere stories live. Discover now