Chapter 26

549 24 2
                                    

Louraine

Nagising ako sa madilim na lugar, nakatali ang dalawang kamay ko at paa at nakaupo sa isang matigas na upuan habang may nakapasak na tela sa bibig ko dahilan para hindi ako makapagsalita ng maayos. Ramdam ko ang hapdi sa pulsuhan ko dahil sa higpit ng tali nila.

"Tol ano na? Ang tagal naman sumignal ni boss." Rinig kong ani ng isang lalaki. Napatingin ako sa gawi nila. Naninigarilyo ito habang umiinom ng isang bote ng alak. May laptop na nakaharap sakaniya na para bang CCTV sa buong building na ito.

Diyos ko po, tulungan niyo po ako. Hindi ko po inakalang mapupunta ako sa ganitong sitwasyon dahil wala naman po akong pinagkakautangan o kagalit ng ganito katindi. Parang awa niyo na po, iligtas niy-

"Ayan na! Nanjan na siya!" Ani pa ng isang boses. Napatingin ako sa laptop at nakitang naglalakad si Hazel sa gilid ng isang pool.

"Ang dami mo atang natatanggap na mail?"

Agad niyang tinago ang mga sulat at umiwas ng tingin sa akin, mukhang galit pa ata siya. "A-ano, galing lang ito sa mga haters ko. Alam mo naman, they'll do anything to ruin me." Aniya at pumasok na sa kwarto niya.

Ito ba iyon?

Mga sulat ba iyon galing sakanila?

Pero bakit? Bakit nila kailangang gawin ito? Anong kasalanan ang nagawa ni Hazel sakan-

"Do you know why I hate you so much?" Napatigil ako sa pag-iyak. Seryoso siyang nakatingin sa akin at nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko. Pinilit kong hindi siya iwasan kahit na ayokong hinahawakan ako sa mga ganitong sitwasyon. Traumang trauma ako sa nangyari kanina.

"Because I remember myself in you." Aniya at tumulo ang luha sa kaniyang mga mata. "I used to be like you before. Innocent, kind, respectful, understanding. But people, they just took me for granted. So I promised myself that I'll change. Then I became the opposite of me." She said and wiped her tears.

She pulled me for a hug then caressed my back. "You're a great person Louraine. You're a strong person. You did a great job today, escaping from him."

"I want myself back. Pagod na din akong magpanggap na malakas ako kahit hindi naman talaga. At na-realize ko lang iyon dahil...well, dahil kay Luke. But It's not the right time yet. I need to fulfill my revenge first. Anyways, magpahinga ka na. Stop thinking about that guy." She lastly said then walked out.

Revenge?

Hazel never shared her problems to me. Hanggang doon lang ang nasabi niya, wala nang mas malalim pa. Siguro ay nasanay na siya ng walang pinagsasabihan. Pero kahit kailan, hindi ako umayon sa kahit anong paghihiganti.

Napahinto ako sa pag-iisip ng may humila bigla ng buhok ko. May kung anong bagay siyang initapat sa aking tenga. "Magsalita ka!" Sigaw niya sa akin na mas kinatakot ko dahil naramdaman ko ang kutsilyo sa leeg ko.

Diyos ko po, iligtas niyo po kaming dalawa ni Hazel dito.

"Erase those files or I'll kill your friend Hazel. You choose." Ani ng isang boses. Malalim ito at nakakatakot.

A-Anong files?! Ano bang nangyayari?

"Sayang brad, ang ganda ba naman neto tsaka mukhang makinis. Tangina, minsan lang ako makakita ng ganitong dalaga."

"Gago! Hindi natin yan pwedemmng galawin hangga't hindi tayo natatapos dito."

"Takte lagot tayo kay mayor kapag may nangyare jan."

Taming YueМесто, где живут истории. Откройте их для себя