Chapter 11

656 30 2
                                    

Louraine

"No Yue. Hindi kita susundin. Bahala ka jan." Ang tanging nasabi ko at umalis na ng tuluyan.

Another thing is, mahilig mangdikta si Yue. Sometimes natotolerate ko pero katulad ngayon, hindi ko kaya.

I love working there. Kahit nakakapagod, kahit masakit sa paa, kahit napapagalitan ako, I still love working in that coffee shop. Isa pa, nagtatrabaho ako kaya normal lang naman na mahirapan ako.

Papasara na ang elevator nang harangan niya iyon. He looks mad pero hindi ako papatinag. Minsan na nga lang ako unayaw sakaniya eh.

"Janina..." Aniya pero hindi ko parin siya pinansin. Inusog ko ang kamay niya papaalis sa pinto ng elevator pero bigla niyang hinila ang kamay ko dahilan para mapalapit ako sakaniya.

"You're a hard headed woman too Janina Ko." Bulong niya at tinanggal ang kamay niya sa akin.

Napatunganga lang ako sakaniya nang tuluyang magsara ang pinto ng elevator dahilan para mawala siya ng tuluyan sa paningin ko.

Janina Ko

Bakit ang sarap pakinggan ng apilyedo ko kapag siya ang nagsasabi?

Bakit ba ako natutulala ngayon?

Bakit siya nanaman ang gumugulo sa isip ko?

Bakit ba ayaw pading maging normal ang pintig ng puso ko?

~~

Nanlamig ang palad ko nang makita ko sa kalendaryo kung anong araw ngayon.

November 7 20**

Parang gusto ko tuloy ulit humiga sa kama ko. Ayokong lumabas sa munti kong kwarto. Ayokong masilayan ang araw. Gusto ko lang dito, madilim at walang makakakita sa akin.

Nanginginig na niyakap ko ang hita ko dahil sa sobrang takot.

"Nina, parang awa mo na, huwag kang sumama sakaniya."

"Hindi. Sorry pero siya talaga ang mahal ko."

"Hindi Nina. Ako ang mahal mo! Hindi ka sasama sa akin dito sa malayo kung hindi ako ang mahal mo!"

"Jonas ano ba! Nasasaktan ako!"

"Talagang masasaktan ka pa kapag nakipagkita ka sakaniya!"

Inalog alog ko ang ulo ko para hindi ko na maalala ang lahat. Pinikit ko ng mariin ang mata ko habang umaasa na makakatulog ulit ako.

Sobrang takot ko nalang ng biglang bunukas ng malakas ang pinto.

"Oy! Bumangon ka nga jan at ipagluto mo ako ng almusal!" Aniya at nanigas naman ako.

May hawak hawak siyang bote ng alak at sintron sa magkabilang kamay niya.

"HINDI MO BA AKO NARINIG?!" Sigaw niya kaya napatayo agad ako.

Hindi ko alam kung paano ako dadaan sa pinto kasi nandon siya. Ayokong lumapit sakaniya. Natatakot ako.

"BILISAN MO!" Aniya at lumabas ng kwarto. Kahit papaano ay napahinga naman ako ng maluwag.

Kailangan kong sundin ang gusto niya ngayon

Taming YueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon