Chapter 2

946 33 0
                                    

Help

Louraine

Napatingin ako sa libro ko na kanina ko pa paulit ulit na binabasa. Ugh, wala akong maintindihan kahit isa! Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito, basta wala akong maintindihan.

Tumayo na lamang ako at napagpasyahang hanapin si Hazel. Hehe. Gusto ko lang ng makakausap. Kakaibiganin ko nalang ulit siya. Tamang tama at may bakante pa akong tatlumpung minuto. Pinuntahan ko siya sa klase niya na malapit lang sa amin at nakita ko siyang nakatulala sa upuan niya. Napakunot naman ang nook o, hindi naman siya laging natulala dati. Either nagbabasa siya o may tinititigan na babae.

"You looked bangag." Ani ko at napalipat naman ang tingin niya sa akin agad. "Really? Tell me something that makes sense." She sarcastically said and I smiled. Hindi ko alam but somehow, she entertains me.

"Hey, galit ka ba?" Tanong ko at kita ko naman ang pagiging tuliro niya sa mata niya. Maybe I can read people well. "Why would I? Wala naman akong dapat na ikagalit." Aniya at napangiti pa ako lalo.

Denial.

"Really? The last time I checked, your nose is flaring because of the guy who pushed me." Pang-asar ko sakaniya at inirapan niya lang ako. "He pushed you?!" She almost shouted after realizing what I said.

"See, you're mad." I said at sa pangalawang beses, inirapan niya nanaman ako.

"I'm not. I shouldn't be mad." She said. Napaseryoso ako ng tingin sakaniya na umiwas ng tingin at itinuon iyon sa bintana.

"You know what? Being a bitch was never easy. Because I know that before you became a bitch, you also became a victim who received no help at all." Ani ko at lumakad na palayo. Matatapos na din kasi ang bakante kong oras at baka malate pa ako. Hindi na nga ako nakapag paalam kasi hindi naman siya namansin.

Sa susunod nalang ulit.

Pumasok na ako sa klase at parang normal na bagay nalang para sa lahat ang pagiging late ni Yue, pero hindi ko mapigilang mag-alala. May sugat nanaman kasi siya malapit sa mata niya. Normal naman na sa akin ang mag-alala sa iba kasi ganito ako sa lahat. Minsan nga lang nabibigyan ng meaning ng iba.

Nakinig na lamang ako sa aming propesor hanggang sa natapos ang klase.

"Miss Ko, please stay for a few minutes." Our professor said and I just nodded then gathered my things.

Nang naka-alis na ang lahat ay seryoso akong tinignan n gaming lalaking propesor. "Bakit po sir?" Ani ko at nginitian niya ako para siguro hindi ako mag-alala.

"Pwede mo bang tulungan si Yue na makabawi sa grades niya? I know, hindi pangkaraniwan na ang mga propesor pa ang nag-aalala sa grades ng estudyante niya pero hindi ko mapigilan na tulungan siya. Alam kong mabait siya, kailangan niya lang na mailabas iyon." Aniya at napangiti naman ako.

Kilala si sir Richard bilang isa sa mga pinakamasungit na propesor sa University na ito. Marami ang may galit sa kaniya dahil nga hindi siya mataas magbigay ng grado, depende nalang sa performance mo. Pero hindi naman iyon ang nakikita ko sakaniya. Lahat ng iyon ay haka haka lang. Sa murang edad na 25 ay nagging propesor na siya at magaling pa sa pagtuturo.

"Sige po. Susubukan ko po. I'll help him with his grades" Ani ko at ngumiti din siya. "Gagawin ko kayong magka-grupo sa isang aktibidad. Sana rin kung may oras ka ay mai-tutor mo siya. Malaking favor ito pero sana magawa mo." Aniya at dahan dahan akong tumango.

Walang ibang mas masarap na pakiramdam kaysa sa pakiramdam na maging dahilan ng pagbabago ng isang tao para sa mabuti.

"Salamat. Makakaalis ka na." Aniya at tumayo na ako bago magalang na nagpaalam.

Taming YueWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu