Chapter 23

570 30 0
                                    

Chapter 23

"Louraine!"

Napabalik ako sa reyalidad ng marinig ko ang isang pitik sa harap ko. Nakita ko doon ang nakakunot na noo na sina Charles, Syc at Hyde. Nagbebake kami ngayon ng doughnut. Natutunan ko kasi ito nitong nakaraang linggo lang dahil nalaman ko sakanila na mahilig din sa Yuean sa mga matatamis lalo na ang doughnut. Walang pag-aalinlangan na pinag-aralan ko agad kung paano iyon gawin.

Nang mapatingin ako sakanila ay agad nilang tinabi ang mga sangkap at umupo doon sa counter sa kusina. Nakakatawang isipin na sa pagkrus nila ng kanilang mga braso pantay dibdib ay sabay sabay pa sila.

"Ano?" Ani ko at natawa ng mahina lalo na ng makitang nakapout sila. Jusme, ang ku-cute nilang lahat.

"Hindi ka naman nakikinig eh." Ani ni Hyde.

"Sino ba kasing iniisip mo?" Nagtatampong sabi ni Syc.

"Wag mo muna akong isipin baby, later nalang kapag tayong dalawa nalang ang magkasama." Malanding ani ni Charles na sinundan ng magkabilang batok mula kina Hyde at Syc dahil nasa gitna siya.

"Malandi!"

"Impokrito!"

"Aray ah?"

Natawa ako ng malakas dahil sa ka-cute-an nila. Ugh. Mabuti nalang at nanjan sila. Pakiramdam ko ay mababaliw ako kakaisip tungkol sa huling pag-uusap namin ni Yuean.

"Yuean.."

"Hello? Yuean? Uy? Sinong nanjan?"

"Katherine..."

Naputol agad ang tawag at hindi ko alam kung bakit pero parang may bumbara na kung ano sa puso ko. Parang biglang gusto ko nalang umiyak. Ang babaw pakinggan pero bumigat ang loob ko ng marinig kong nandon si Katherine sa unit niya

at sila lang dalawa.

Inilapag ko ang hawak kong cellphone at dumiretso sa kusina. Nag-luto na lamang ako ng pagkain dahil bigla akong nagutom. Nakakain, nakpag hugas, nakapaglinis na ako ng konti ng bahay pero ni text ay wala akong natanggap mula sakaniya.

Inaayos ko na ang higaan para sa pagtulog ng makatanggap ako ng text.

I'll be busy cupcake. Sleep well. Goodnight.

Fr: Yuean

Received: 12:45 am

How could I sleep well if you and Katherine is in the same room together Yuean?

"Louraine. You're spacing out again." Ani ni Hyde nang mailagay na sa oven ang doughnut.

"Okay na ba ulit si Yuean at si...Katherine?" Tanong ko. Ilang beses kong tinanong yan sa utak ko pero napagtanto ko na walang mangyayari kung hindi ako magtatanong sa taong nakakaalam mismo ng sagot.

Nagkatinginan muna sila atsaka umiwas ng tingin sa akin.

"Anong magandang ipang-toppings? Mahilig si kuya sa chocolate at strawberries." Ani ni Charles at biglang umalis.

"Teka nanjan na ata yung nagdeliver ng pizza." Iwas naman ni Syc atsaka pumunta sa may pintuan.

Natira kaming dalawa ni Hyde dito sa kusina nila at nagkatitigan. Tinaasan ko siya ng kilay na tila ba nagtatanong pero umiwas lang siya ng tingin sa akin. "Ah...ano..natatae ako. Hehe." Ani ni Hyde at tumakbo sa banyo.

Napasandal nalang ako sa kitchen counter nila dahil sa pagiisip. Sa kinilos nila mukhang alam nga nila kung ano ang nangyayare. Ako lang ata ang hindi.

Taming YueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon