Chapter 13

688 27 2
                                    

Louraine

"Pakilagay nalang jan Yuean." Ani ko at pinasok na niya sa loob ng hotel room ang dala kong maleta. Mabigat kasi kaya siya nalang ang nagbuhat.

"Salamat." Ani ko at ngumiti sa kaniya. Nakasimangot lang siya kanina pa at hindi ko alam kung bakit bad mood na bad mood siya.

"Don't come near that varsity player whatever his name is. He looks at you like he likes you." Aniya at napakunot naman ang noo ko.

"Why? Mabait naman si Kobe ah. I actually like him." I said.

Nakilala ko si Kobe kanina nung nasa lobby ako ng hotel. Nag cr kasi si Yuean. Then nagpakilala si Kobe as one of our group para sa project. I remember him nung nag discuss din sa classroom, bagong classmate siya.

"What?!" Mukhang gulat na gulat pang tanong niya. "Whatever Janina." Aniya at umalis nalang bigla.

Taka taka ko pang sinara ang pinto ko. Natagpuan ko naman si Hazel na tumatawa ng mahina. "What have you done Louraine?" Aniya at umiling iling.

Hindi ko sila maintindihan.

"Kamusta ang mga sugat mo? Magaling na ba?" Tanong niya ang ngumiti naman ako sabay tango.

Pinakita ko sakaniya ang braso ko na wala nang marka ng sugat o pasa. "Thank you Hazel." I sincerely said.

"Ang corny mo. Ehem." Aniya at umalis ng kwarto. She felt awkward? Hindi ata siya sanay na may nagt-thank you sakaniya.

Inayos ko nalang ang mga gamit ko at nang matapos ay humiga na muna sa kama.

Tuloy tuloy ang agos ng luha ko habang niyayakap ang tuhod ko. Pinikit ko ang aking mga mata umaasa na nananaginip lamang ako.

"Nina. Mahal na mahal kita." Halos bulong na sabi niya.

"P-pero ayoko na talaga. Parang awa mo na pakawalan mo na ako..."

Biglang nagbago ang ekspresiyon niya na nakapagpatakot sa akin.

Sa amin.

"Hinding hindi kita ibibigay sa gagong iyon magkamatayan man kami!"

Napabangon ako dahil sa bangungot na iyon. Hinila ko ang kumot sa aking tuhod at niyakap iyon. Napalingon ako at nakitang di padin bumabalik ng kwarto si Hazel.

Kalimutan mo nalang ang lahat Louraine. Kahit masakit, mas mabutinh makalimot ka nalang.

Napagisipan ko nalang na lumabas para hindi na ako guluhin ng mga ala-alang iyon.

Pagbaba ko ay nakita ko ang dagat na napakaganda. Alas kwatro palang ng hapon pero ang mga tao ay halos nauubos na. Mukhang papauwi na din ang iba.

Umupo muna ako sa buhangin habang dinama ang alon ng dagat sa paa ko.

"Why are you alone pretty lady?" Tanong ng isang boses at napatingin naman ako doon. Nakita ko Si Kobe na seryosong seryoso. 

Minsan hindi ko siya maintindihan. He's a little bit like Yuean but he's playful sometimes.

"A-ah wala naman." Ani ko at napatingin ulit sa dagat. "Gaano mo pala kakilala si Hazel? Nababanggit ka din niya sa akin minsan eh." Ani ko. 

Taming YueWhere stories live. Discover now