Chapter 20

739 36 4
                                    

Louraine

"Explain." Ani ng dean habang nakatungo ako at nakatitig sa sahig.

Napatawag kaming tatlo, ako si Ian at si Yuean dahil sa issue at dahil na din sa suntukan nila kanina.

Inis na inis ako sakanilang dalawa pero mas naiinis ako kay Yuean. Bakit kailangang daanin niya lahat sa kamao niya? Hindi niya ba naisip na pwede siyang masuspend o ma-expell? Graduating pa naman siya!

Kanina ay halos magpatayan na sila doon sa gitna ng cafeteria. Kung hindi pa ako sisigaw ay baka natuluyan na ang isa sakanila.

"What the fuck is the meaning of those damn pictures you moth-"

"Watch your language Montesalve!" Saway sakaniya ng dean pero parang wala padin siyang pakielam. Pinikit ko ng mariin ang mata ko sa inis.

"You stupid, pedophile, crazy, mothe-"

"Yuean!" Saway ko at agad naman siyang napatigil.

Mula sa tabi ni Ian ay lumipat siya sa tabi ko. Pinanlakihan ko siya ng mata lalo na ng hawakan niya ang kamay ko at pinagsalikop niya sakaniya.

Anong-"The issue is not true dean. Louraine Ko is my girlfriend. It's either he seduced her or he threatened her to g-

"Yuean! Pwede ba!" Saway ko at kahit na mukhang naiinis siya ay napayuko naman na siya sa sahig.

"About the rumors, they are not true dean. You see...Ian-I mean sir Richard is like a...brother to me." Panimula ko.

Napatingin sa akin si Ian at tumawa ng mahina. Maybe I did hurt him a little because I know that he likes me, but I need to explain my side.

"H-He...he saved my life once. Dahil don naging malapit kami sa isa't isa. We go out sometimes but that doesn't mean that we're dating. We're in a...brother-sister relationship. Sana po hindi niyo parusahan si sir Richard." Mahabang paliwanag ko at napatango tango naman ang dean.

"And as I've said...this wonderful, innocent, lovely girl here is mine. Kami. Akin siya. We're currently dating. Kaya sana po wag niyong parusahan ang girlfriend ko." Ani bigla ni Yuean at mas hinigpitan ang hawak sa kamay ko.

"Hind-"

"Yun lang po ba? May date pa po kasi kami ng girlfriend ko. Birthday ko po kasi ngayon." Aniya na kinagulat ko.

Birthday niya?

Napatitig ako sakaniya at tila nakalimutan ko kung nasaan kami ng marinig ko ang sinabi niya.

Birthday niya, at hindi ko manlang alam. Tapos sasabihin ko na gusto ko siya? Na gustong gusto ko siya?

Anong karapatan ko kung hindi ko pa nga siya lubusang kilala?

"I guess I'll let this pass. The pictures are taken outside the campus so I can't punish you for PDA. I don't know how I'll say it but please..lessen touching each other like hugging etc." Ani ng dean at nakahinga naman ako ng maluwag.

Hindi ko alam kung paano nangyare pero namalayan ko nalang na hinihila na ako ni Yuean at ngayon ay nakasakay na ako sa shotgun seat ng kotse niya.

Nakatulala lang ako sa harap ng daanan dahil hanggang ngayon ay pinagdedesisiyonan ko padin kung papansinin ko ba siya o hindi.

I mean, it's his birthday. Ang sama ko naman kung hindi ko siya papansinin pero kasi...iba ang sitwasyon ngayon.

"It's my birthday. Hindi mo ba ako babatiin manlang?" He asked me at hindi ko alam kung bakit parang napapangiti ako sa straight tagalog niya.

Taming YueWhere stories live. Discover now