Chapter 5

725 27 1
                                    

Louraine

"Louraine! Thank God you called me. Hindi ko alam kung anong mangyayare sa anak ko kung nagkataon." Aniya ni tita at niyakap ako.

I felt good and...loved. Simpleng yakap lamang para sa iba but I've been longing for a sincere hug. She let me go and held my hand. "Thank you so much." She said.

"Okay lang po. Hehe. Sabi po ng doctor ay maayos na po ang kalagayan niya. Huwag na lang daw po i-stress-in." Ani ko at tumango naman siya tsaka nagpunta kay Jane, ang labing pitong taong gulang na anak niya. Dalaqang taon lamang ang tanda ko sakaniya kaya nagkakasundo kaming dalawa.

Tita Ana has been a mother to me. She's always there when I needed her the most. She never made me feel lonely. She's a family pati na rin si Jane.

"Uh... gusto ko pa po sana magstay tita, pero pwede po bang unalis muna? I'll be back as soon as possible." Ani ko at tumango naman ito.

"Sure. Basta't mag iingat ka sa daan iha. Alasnuebe na ng gabi." Sabi niya at humalik sa aking pisngi.

I waved goodbye at tuluyan nang tumakbo. Napakalate ko na! 9:15 na at 6 pa ang usapan namin!

Sinubukan kong buhayin ang cellphone ko na kanina pa namatay. Nagloloko nanaman ito. Kailangang kailangan ko pa namang matawagan si Yue. Pero sa kasamaang palad, ayaw gumana.

Dumiretso na lamang ako sa condominium kung saan nananatili si Yue. Binigay din kasi ito ng mga kuya niya. Hehe.

Hinabol ko muna ang aking hininga at inayos ang aking sarili. Nagpunas ng pawis at naglagay ng cologne, tsaka ako nagdoorbell.

Nagdoorbell ako ulit at ulit. Pero walang nagbubukas. Patay ako neto! Paano kung nagbago na ang isip niya? Ang hirap niya pa nang kumbinsihin.

Paalis na sana ako nang bumukas ang pinto. Nagulat ako dahil may nanghila sa akin sa madilim na silid na iyon. Tanging ilaw lamang sa malaking bintana ang umiilaw sa silid. Hindi ako makagalaw.

Paano kung maling unit pala ang  dinodoorbell ko? Tapos masamang tao pala ang taong nakahawak sa magkabilang palapulsuhan ko? Hala! Hindi pa ako pwe-"Stop overreacting stupid girl. This is me." Aniya at nakahinga naman ako ng maluwag.

Naghintay ako na bitawan niya ako pero nagulat lang ako ng bigla niya akong ikulong sa bisig niya. Nanlaki ang mata ko at nanlamig ang buong katawan ko. "A-anong ginagawa mo?" Tanong ko pero ni isa, wala akong nakuhang sagot mula sakaniya.

"U-uy, ano b-ba. Bitawan mo nga ako." Ani ko pero hindi padin siya kumakawala. Nagsimula na akong kabahan at matakot. Ayoko ng ganito. Hindi ako makahinga.

"Yue!" Itinulak ko siya sa buong lakas ko at nagtagumpay naman ako. Sinubukan kong huminga ng maayos at pigilan ang takot ko.

"M-mag review na tayo. Sorry k-kung nalate ako." Ani ko at tumungo sa sofa niya.

May lamesa doon na pwede nang pagpatungan ng mga gamit ko. Umupo na ako sa lapag dahil mababa lang ang lamesa. Ayoko namang nakakuba habang nag-aaral, unaantok ako non.

Nilalabas ko na ang mga kailangan nang umupo siya sa tabi ko. Sinusubukan kong huwag siyang tignan dahil naiilang ako sa mga titig niya. "First topic natin yung para sa-"

"Why are you so scared earlier?" He asked. Napatitig lang ako sakaniya ng matagal bago ibinalik muli ang tingin ko sa reviewer.

"So Science ang unahin natin since Science ang subject ni sir Richard. Firstly, kailangan mong aralin yung mga bas-"

"Anong meron sainyo ni Richard?" Pagputol nanaman niya sa akin pero hindi ko iyon pinansin.

Binigayan ko siya ng answer sheets and questionaire. "Answer these para alam ko kung saang parts ka ng Science nahihirap-"

Taming YueWhere stories live. Discover now