Chapter 27

585 32 7
                                    

Srry na-late. Jgh from our province.

Louraine

"She had lost a lot of blood so we'll be needing a type AB blood donor. Kung hindi ito maagapan ay baka lumala lamang ang lagay niya. We'll continue to monitor her. Excuse me."

Kahit mahirap ay idinilat ko ang mga mata ko. Naramdaman ko agad ang uhaw sa lalamunan ko. Ilang oras na ba akong nandito?

"She's awake. Oh God thank you!" Rinig kong ani ng isang boses kaya't napatingin ako doon. Naramdaman ko ang dalawang braso na yumakap sa akin. Hindi ko napigilang tumulo ang luha ko.

"I-Ian..." Ang tanging nasabi ko nang bumitiw ito ng yakap sa akin. "Sshh. You'll be fine, don't worry. Ipahinga mo nalang ang mga hita mo." Aniya habang tinutuyo ang luha ko.

"S-salamat. Salamat." Ngumiti lamang siya sa akin atsaka patuloy na pinunasan ang luha ko.

Laking gulat ko naman ng magbukas ang pinto. Nakita ko doon si Charles, Hyde Syc at Luke.

Walang Yuean. Wala nanaman siya. Hindi ka niya pupuntahan kaya huwag ka ng umasa.

"Cupcaaaake~" Sabay sabay nilang sabi maliban kay Luke na mukhang pagod na pagod at sobrang malungkot.

Nagsisuguran sila sa akin at niyakap ako. Natawa naman ako ng mahina. Ang kukulit talaga nila.

"Sobrang nag-alala kami sayo. Bigla bigla kang nahihimatay!" Ani ni Hyde habang hawak hawak ang isang kamay ko.

"Miss na kita." Ani naman ni Charles na nakayakap padin sa akin.

"May dala kaming cupcakes para sayo!" Sabi ni Syc habang hawak ang isang box.

"Salamat." Ani ko at nagsi-upuan naman na sila. "Ano...Luke, kamusta si Hazel?" Tanong ko pero yumuko lamang ito. Natahimik bigla ang kwarto dahilan para kabahan ako lalo. Hindi ba't okay naman siya? Wala siyang tama noong huling kita ko sakaniya. Yakap yakap pa siya ni Luke noon. A-Anong nangyari?

"S-She's in coma." Ani ni Syc.

Napatulala naman ako. "Bakit? Anong...pano-I mean, bak-"

"Nabaril siya sa likod. Malapit sa spinal cord niya. She's been in coma for 3 days. Hindi pa alam kung kailan siya gigising." Ani naman ni Hyde. Nanatiling tahimik si Luke na lumabas ng silid.

Naramdaman ko ang isang kamay sa kamay ko at napalingon kay Ian na nakangiti sa akin. "She'll be fine." Tanging aniya at sinubukan kong mag-isip ng mas mabuti kaysa punuin ng kung ano anong masamang bagay ang utak ko.

"Kailangan pa naming ayusin yung tungkol sa nangyari. Babalik nalang siguro kami mamaya Louraine." Ani ni Charles at sunod sunod silang umalis.

Hindi ko napigilang mapatitig sa may kisame nang makahiga ako ulit. Sobrang bilis ng pangyayare. Parang noon ay pinipilit ko pa siyang maging kaibigan ko, ngayon ay...hindi pa siya nagigising sa coma.

Napatingin ako sa pinto ng bumukas iyon. Bagsak balikat akong napatitig sa kamay ko ng makitang doktor lang pala iyon.

Hindi ka niya dadalawin Louraine! Huwag ka na ngang umasa!

Bakit Yuean? Kahit ngayong nasa ospital ako, hindi ba pwedeng dalawin mo naman ako o kamustahin? Ganon nalang ba talaga?

"Doc...tinurukan niyo po ba ako ng anesthesia? Hindi ko po kasi maikilos ang hita ko." Ani ko at sinubukan kong igalaw iyon pero hindi ko talaga kaya.

Napatingin naman ang doctor kay Ian. "Ano..oo iha. Are you his guardian? Can you come to outside?" Ani ng doktor at lumabas sila ni Ian.

Binalewala ko nalang ang hita ko muna at natulog.

Taming YueWhere stories live. Discover now