3: Bye virginity?!

180K 1.6K 92
                                    

This chapter is dedicated to my friend slash fan (Loljk assumera e, pagbigyan mo na friend) Mairah para sayo 'to, haha pasensya na kung natagalan ah? Sabi naman sayo artista ako e. Hahaha! Feeler talaga. Salamat talaga sa pagsuporta, everytime na nagppm ka ako'y natatouch talaga, isa nga pala sya sa reader ko sa BR. Srsly. Osya, magingat ka. Godbless! Mwa! :*

~~

Life isn't about waiting for the storms to pass, It's about learning to dance in the rain.

Chapter 3: Bye virginity?!

Hannah's POV:

Nakakainis talaga yung Storm na yun! Hindi porket sya na ang pinaka-gwapong lalake dito sa campus may karapatan na syang hindi magsorry! Psh.

Inis na inis akong naglalakad sa hallway, pabalik na ako sa room at kasalukuyang kinakausap ang sarili ko ng biglang may humigit sa kamay ko. Gulat na gulat ako ng makita ko kung sino sya.

Well, si Storm lang naman po. Ang dakilang hambog ng buong university.

"Ano ba! Bitiwan mo nga ako!" Nagpupumiglas ako pero malakas sya para makaya ko. Kinaladkad nya ako papuntang C.R.

Opo. Sa C.R. At worst, C.R. pa ng boys. Bwisit diba?

"Sinabing bitiwan mo ako e!" Sigaw ko pero 'di sya natinag. Sinandal nya ako sa pader at ni-lock ang pinto.

Oh no! Ano'ng gagawin nya sakin?

"Ano bang problema mo?!"

"You, freak girl" Walang ganang sagot nya. Teka, ako? Bakit ako?

"A-ako?" Naguguluhang sagot ko. Lumapit sya sakin, "Don't you ever do that to me, or else I will teach you a lesson that you will never ever forget." Sabi nya sabay talikod.

"Lesson?!" Taas kilay na tanong ko. Medyo nakakainis kasi sya e, ako pa 'tong tuturuan ng leksyon e sya na nga 'tong nakabangga.

Hindi nya ako sinagot, sa halip ay lumakad na sya palabas ng C.R. at iniwan akong tulala. Ay ang galing! Ang galing galing talaga. Napakasama talaga ng ugali.

Makalabas na nga! Dahan dahan akong lumabas, mahirap na baka may makakita sakin at kung ano pa ang isipin. Punyemas na Storm 'yun!

Nagmamadali akong tumakbo papuntang classroom namin. 1 minute na lang late na talaga ako! Kasalanan 'to ng bagyo na 'yun!

Haaay! Nakahinga ako ng maluwag ng makita kong wala pa kaming prof. Yes! Buti na lang at hindi ako late.

"Oh bakit ang tagal mo?" Tanong ni Lourie. Huminga muna ako saglit saka ko sya sinagot, "May nakabangga ako.."

"At sino naman?" Usisa ni Green. Ang mga 'to talaga, mga chismosa.

Seducing Mr. Pervert (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon